Home National News Binata nalunod sa irigasyon sa Ilocos Norte, patay

Binata nalunod sa irigasyon sa Ilocos Norte, patay

23
0
SHARE

ILOCOS NORTE- Patay ang isang lalaki matapos na malunod ito sa isang irigasyon sa Brgy. Parparuc, Vintar ng naturang lalawigan Huwebes (Nov. 1).

Kinilala ng Vintar-PNP ang biktima na si Nixon Domingo y Ramos, 31-anyos, binata, tubong Brgy. Union, Claveria, Cagayan pero ngayon ay nakatira na sa Bgry. Parparuc, ng naturang bayan.

Base sa report, ang biktima kasama ang kanyang mga pinsan na sina Christopher Domingo y Dalere at Abet Dalere, parehong kalugar ng biktima, ay nagpunta sa naturang irigasyon para maligo.

Nabatid na sa kasarapan ng kanilang paliligo, umahon ang biktima at saka dumayb pero nagtaka ang kanyang mga kasama nang makitang hindi na lumilitaw mula sa ilalim ng tubig ang biktima.

Dahil dito, agad silang sumisid at pagkalipas ng ilang minuto ay nakita nilang naipit ang ulo ng biktima sa isang metal sa ilalim ng tubig mula sa ginagawang tulay sa nasabing lugar.

Agad na itinakbo sa Governor Roque Ablan Senior Memorial Hospital (GRASMH) ang biktima pero idineklarang dead-on-arrival.

Natuklasan na ang biktima ay nakainom ng alak nang maganap ang insidente. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous article2 Abus killed, 2 wounded in Sulu encounter
Next articleLolo natagpuang patay sa loob ng kanyang bahay-kubo sa Ilocos Norte
Si Rolando S. Gamoso ay naging Editor-In-Chief ng dating THE AMIANAN WEEKLY EXPOSE’, isang weekly newspaper na may sirkulasyon sa buong Region I, CAR at Region II. Naging reporter/news correspondent siya for Region I sa mga pahayagang tulad ng: DAILY BALITA, TANOD Newspaper, BOMBA, PINOY PARAZZI, at POLICE FILES TONITE. Sa ngayon ay reporter/columnist siya sa THE AMIANAN BULLETIN at THE ILOCOS HERALD, pawang mga local newspaper na circulated weekly sa Ilocos Region. Maliban sa pagiging aktibo niya sa print media, aktibo rin siya sa pagiging miyembro ng broadcast media.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here