Home National News Binatilyo na nagbebenta ng ‘damo’ sa socmed, timbog sa San Juan City

Binatilyo na nagbebenta ng ‘damo’ sa socmed, timbog sa San Juan City

105
0
SHARE

SAN JUAN CITY — Kalaboso ang isang binatilyo na nagtutulak at nagbebenta ng high grade na marijuana o “Kush” sa social media sa inilatag na drug buy bust operation ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) nitong Biyernes ng hapon (Nov. 2) sa Hoover St., corner Brgy. Addition Hills sa nasabing lungsod.

Ang suspek ay nakilalang si Idyanale Añonuevo, 18-anyos, out-of-school youth, residente ng No.6 Kawilihan St., Barangay Maybunga, Pasig City.

Ayon sa report na ipinadala ni San Juan City Police Station Chief, P/Sr. Supt. Dindo Regis Reyes kay Eastern Police District (EPD), Police Chief Supt. Bernabe M. Balba, inaresto ang suspek ng bentahan nito ng isang pakete ng hinihinalang marijuana na nagkakahalaga ng P500 ang isang pulis na nagpanggap na poseur buyer.

Nasamsaman ang suspek ng karagdagan na 4 plastic sachet ng marijuana na nagkakahalaga ng P6,500 at ang ginamit na buy-bust money.

Bago ang pag-aresto sa suspek ay isinailalim din umano ito sa surveilance base sa mga natanggap nilang impormasyon na ang suspek ay supplier ng iligal na droga sa mga teenagers sa social media gamit ang messenger at iba pang application para kanyang iligal na transaksyon.

Nakakulong ngayon sa San Juan City Custodial Facility ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Violation of Sec.5 at 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.of 2002. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articlePyro stakeholders react to DU30s memorandum order
Next article2 drug suspects killed in encounter with cops in CSJDM
THE author is a broadcaster and a writer at the same time-based in the province of Batangas. Started as DZRH Operation Tulong until he became a broadcaster/commentator of DZRJ 810 Voice of the Philippines and MCVO News FM. A columnist and reporter of different national and provincial newspapers such as People’s Bulletin, Police Files Tonite, and Latigo. He is also a member of National Press Club of the Philippines.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here