Home Rebelasyon Binuong Partido Federal ng Pilipinas, inindorso sa Liga ng mga Alkalde sa...

Binuong Partido Federal ng Pilipinas, inindorso sa Liga ng mga Alkalde sa Bulacan

180
0
SHARE

MALUGOD na tinanggap ni Guiguinto Mayor Ambrosio ‘Boy” Cruz, Pangulo ng Liga ng mga Alkalde sa Bulacan, ang pormal na pag-iindorso ng Mayor Rodrigo Roa Duterte Executive Coordinating Committee (MRRD NECC), ang binuong isang political party na makikilala bilang Partido Federal ng Pilipinas, sa isang pulong na ginanap sa Agatha Homes Hotel and Resturant sa nasabing bayan.

Kabilang sa mga dumalo sa nasabing pulong ay sina Acting Governor VG Daniel R. Fernando, na nagpahayag na malaki ang kanyang paniniwala at tiwala sa liderato ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, mula nang ito ay manungkulan bilang pinakamataas na lider ng ating bansa, kaya nais niyang magkaroon ng bahagi sa nasabing partido kung kinakailangan, kasama ang libong bilang mga Bulakenyo na patuloy na sumusuporta sa Federalismo na isinusulong ng kasalukuyang administrasyon.

Sinabi naman ni Mayor Boy Cruz, na isinumiti na sa tanggapan ng Commission on Elections, ang akreditasyon ng Partido Federal ng Pilipinas at hinihintay na lamang ng mga opisyal at kasapi nito ang baliditasyon upang kilalanin ito bilang isang poliyical party sa bansa

Ipinaliwanag naman ni Retired Col. Danilo Bugay, MRRD NECC Bulacan Provincial Chairman, na ang Partido Federal ng Pilipinas ay binuo noon pang nakaraang buwan ng Abril ng kasalukuyang taon, na nanglalayong suportahan ang mga magagandang programa ng liderato ni Pangulong Duterte para sa kapakanan ng milyong bilang ng mga mamamayang Pilipino na naniniwala na magagawang baguhin ng kasalukuyang administrasyon ang lumang sistemang pina-iiral sa bansa sa pamamagitan ng pagsusulong ng Federalismo.

Good luck and more power po Mr. President. Ang tagumpay ninyo sa inyoing mga layunin ay tagumpay rin ng Sambayanang Pilipino. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleRelief operations ni Kuya Jonathan
Next articlePlanong pagtatayo ng airport/seaport sa Bulacan, magpapaangat sa ekonomiya ng lalawigan
EFREN Alcantara Fischer known as “Efren Alcantara” in his pen name, was started practicing by possession as radio reporter of DZTM- AM Radio since 1969 during his college year at the Lyceum of the Philippines. He owned a program “Ang Tinig ng Bulacan” over DWRT AM Radio, “Bangon Bayan” over DWAN- TV13 with Cezar Gregorio and Lingap sa Maralita with Oscar Cruz over DZME- 1530. Until he joined as one of Radio Correspondent of RMN- DZXL Radio assigned in Bulacan where he retired after 25 years in service. He also served as TV Reporter of CLTV 36 in Region 3 and recognized four times as Best Provincial Correspondent of the year of the Bulacan Government. He was also a former newswriter of a three national daily tabloid newspaper namely Dyaryo Bongga, Text Balita and Pilipino Star Ngayon. Presently he managed and control small audio video productions.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here