Home Taklesa Biyaheng Baler, walang kasing saya!

Biyaheng Baler, walang kasing saya!

58
0
SHARE

ITO na marahil ang mga araw sa buhay ko na hindi ko makakalimutan. Dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay nakarating ako sa bayan ng Baler, ang kapital ng Aurora at pinakamatandang munisipalidad ng lalawigan ng Aurora at dito ipinanganak ang unang pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas na si Manuel L. Quezon.

Bago ang lahat ay nais ko munang pasalamatan ang North Luzon Expressway (NLE o NLEx) communication community sa pangunguna ng walang kasimbait at napakagaling na chief na si Mr. Kit Ventura at sa kanyang mga masisipag, maasikaso at palangiting staff. Sila po talaga ang may pakana kung bakit ko narating ang probinsiya ng Baler. Hehehe. Thanx po Sir Kit.

Sa kabila ng biyaheng 8-hours ay hindi man lang kami nakaramdam ng pagkainip kahit na idinaan pa kami sa Cabanatuan, Nueva Ecija patungong Bongabon to Baler.

Unang araw pa lang namin ay walang katapusang pagkain mula almusal hanggang hapunan. Breakfast sa Mcdo San Simon na sinundan ng lunch sa Hillocks Coffee and Restaurant sa Nueva Ecija kung saan ko natikman ang walang kasing-sapap na Papaitan.

Dumating kami sa Costa Pacifica Hotel at around 4 pm na kaya hilata muna sa malambot na kama at mabangao at magandang kwarto ng naturang hotel. Pero huwag ka, ito ang pinakamaganda, five-star hotel na maituturing sa bayan ng Baler. May swimming pool na nakaharap sa dalampasigan ng Sabang Beach.

Talaga yatang balak kaming patabain ng NLEX dahil sa unang hapunan namin sa Baler ay walang patumagang pinakain sa amin ang hals lahat na ng masasarap na ulam tulad ng alimango, sugpo, kare-kare, inihaw na salmon at kung anu-ano pa. Haisst. Tumaba yata agad ako ng ilang pounds sa unang araw namin ng kain sa Baler.

 

At pagdating sa gabi, may drinking galore din kami sagot ng room 102. Bumaha ng beer, Tequila, Jack Daniels, Margarita at iba pang klase ng alak sa mismong bar ng Hotel Pacifica habang umuulan at naliligo sa swimming pool. Di ba bongga?

At sa aming pangalawang araw ay pasyal to the max ang aming ginawa. Pumunta kami sa Quezon Memorial Park, Baler Catholic Church, Quezon’s Resthouse, Ditumabo Mother Falls, Millennium Tree (Balete tree) at sa Ermita Hill.

Halos lahat kami ay tulala sa pagod at sa sakit ng katawan sa buong araw na pamamasyal. Walang imikan dahil halos lahat ay gutom at hilo na sa gutom.

Salamat sa Yolly’s Kainan at lumapang na naman kami ng mga seafoods like crabs, alupihang dagat, salmon at sinigang na sugpo. (Na high-blood yata ako ’dun Mam Belle).

And on our 3rd and final day, eto na ang araw ng pamimili ng souvenir at pasalubong. Halos lahat ay nag-enjoy sa pamimili ng mga goods mula sa bayan ng Baler. (Alam na kung bakit nag-enjoy. Atin-atin na lang yun. Hahaha).

Ito na ang bakasyon na masdasabi kong pinakamasaya at marahil isa ako sa masuwerteng naimbitahan ng NLEX.

Kaya, Sir Kits at iyong mga angels, kay Mam Belle, sa inyong lahat… maraming maraming salamat po. Teka, teka, sa Cebu ba tayo sa susunod?

Hanggang sa susunod na isyu po ng RONDA Balita. Batu-bato sa langit ang tamaan ay PIKON!

Para sa ibang balita, maglog-on sa www.rondabalita.news.

Babu!

Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0917 205 3350.

SHARE
Previous articleNCIP office ginagawang gatasan ng ilang politiko
Next article‘HAO SHIAO’ sa termino ng mga mamamahayag
ROSETH Eleogo Reyes or RR Eleogo is one of the owners of RONDA Balita. A single mother from Bulakan, Bulacan, and formerly an account officer and columnist of NewsCore, a local newspaper in Bulacan. She also worked in quality control department of Mighty Corporation. A part-time advertising representative of Remate, a national newspaper. She served as Director of Philippine Science Journalists Association Inc. Bulacan Chapter and member of National Union of Journalists of the Philippines (NUJP)- Bulacan Chapter. She won recently as Board of Directors of Bulacan Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here