Home Showbiz Bong Revilla aliw na aliw sa Wowowin

Bong Revilla aliw na aliw sa Wowowin

111
0
SHARE

ILANG araw na natigil ang taping ng Wowowin dahil sa insidenteng nangyari sa loob ng studio.

Sobrang ikinalungkot ng Wowowin host na si Willie Revillame ang pangyayari kaya nag-decide siyang ihinto muna ang pagti-tape ng programa.

Kaya ang napapanood ng mga Wowowin viewers nitong mga nakaraang araw ay pawang replay.

Nang maka-recover si Wilie at kailangang the show must go on nagbalik-taping na ang Wowowin nu’ng February 5.

Ipinalabas ang first taping ng Wowowin kahapon (Feb. 6) kung saan may guest co-host si Kuya Wil, si Senator Edgardo Angara Jr.

Ang secong taping ng Wowowin ay aming nasaksihan kung saan ang sumunod na guest co-host ni Willie ay ang actor at dating senador na si Bong Revilla.

Kitang-kita namin kung gaano pa rin kainit ang pagtanggap ng mga tao sa actor-politiko after niyang makulong dahil sa kasong plunder.

Apat na taon ring napiit si Bong, nakalaya dahil napawalang-sala siya dahil nanaig ang katotohanan na wala siyang kasalanang nagawa para sa bayan.

Na-amazed si Bong ng kantahin ng studio audience ang dati niyang programa sa GMA-7, ang Idol Ko Si Kap.

Nasa audience din ang mga kapatid ni Bong, sina Andeng at Princess na pawang nasa pulitika rin. Hindi kasama ni Bong ang asawang si Lani Mercado.

Tinukso ng komedyanang si Boobsie Wonderland ang dating senador kung hindi raw ba siya ‘naghahanap’ sa loob ng kulungan sa apat na taon niyang pagkakakulong.

Napansin kasi ni Boobsie na nakatitig si Bong sa mga dancer ng Go 1 2 3 habang nagsasayaw ang mga ito.

Ayon sa dating senador marami naman siyang pinagkakaabalahan habang siya ay nasa loob nu’ng mga panahong ‘yun.

Samantala, sa opening number ng Wowowin, habang nagkakasiyahan at nagsasayawan ay hindi napansin ni Willie na may hinimatay na naman sa programa.

Agad na sumaklolo ang floor director na si Mario at inilabas sa studio ang babae. Nabigyan naman agad ng first aid assistance ang naturang Wowowin supporter.

Payo lang sa mga gustong manood ng Wowowin sana kapag alam nilang may mga karamdaman sila ay huwag na silang magpupumilit na manood.

Bago naman sila papasukin sa loob ng studio ay kinukunan sila ng blood pressure. Kapag mataas ang kanilang BP hindi na sila pinapapasok sa loob.

Ang problema ang ibang studio audience sa kagustuhang makapasok, ipapahinga lang saglit ang kanilang kondisyon, iinom ng pampakalma at saka babalik sa aid assistance.

Magsabi rin po ng totoo kung may mga sakit sa puso dahil kapag nasa loob na ng Wowowin studio at nag-start na ang programa kakaibang kasiyahan na ang mararanasan. Super-energetic na ang mga tao.

Nandyan na ang lahat ay gustong makalapit at makayakap kay Willie. Kung minsan nga si Kuya Wil ay muntikmuntikanang na-a-out balance dahil dinadamba ng mga studio audience. May time rin na nagagalusan ang Wowowin host.

Malapit sa puso ni Willie ang mga taong sumusuporta ng kanyang programa at gusto niyang bigyang kasiyahan lahat ang mga ito, pero sana ang mga manonood ay makipag-participate rin nang sa ganoon walang insidenteng mangyayari.(RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleJulie Anne at KZ pinagkukumpara
Next articleMalolos Toys and Hobbies Convention (MALCON) 3-day kickoff in SM Center Pulilan
BETH Gelena was formerly a part-time showbiz writer and staff of People’s Tonight Entertainment Section for almost two decades under former Julie Fe Navarro. Until she decided to leave the Journal office in Port Area, Manila and chose to become a freelance and full pledged showbiz writer of several national daily newspapers such as Police Files Tonite, Abante Tonite, Pilipino Mirror, Pinas at Bagong Toro. Betchay is also an active member of the Philippine Movie Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here