BPCI palaging ‘pusoy’ ng LGU sa Araw ni Plaridel

0
73
Opinion Column by Thony DP Arcenal.

MGA kabayan, nito lamang Agosto 30, 2020 ay ginunita ng bansa ang ika-170 kaarawan ng ating dakilang bayani na si Gat. Marcelo “Plaridel” del Pilar sa kanyang Dambana sa Sitio Cupang ng Brgy. San Nicolas na kinikilala rin natin bilang “Ama ng Malayang Pamamahayag” sa Pilipinas.

At kahit may pandemya, hindi nag-atubili ang mga lider ng Bulacan sa pangunguna ni Gov. Daniel Fernando, na kinatawan si Vice Gov. Wilhelmino Sy-Alvarado, dahil sa naka self-quarantine matapos mag positibo sa COVID-19, kung saan dumalo rin ang dating basketbolista at ngayon ay alkalde ng Bayan ng Bulakan na si Mayor Vergel Meneses.

’Yun nga lang halos kada taon ay palaging “pusoy” sa okasyon ang mga mamamahayag sa pangunguna ng Bulacan Press Club Inc.

Sinasadya ba talaga ng mga organizer na hindi “pansinin o itsapuera” ang mga mamamahayag kahit si Plaridel pa nga ang “ama” ng pamamahayag sa ating bansa?

Ano bang “problema” ng mga organizer, sa Bulacan Press?at bakit sa tuwina,walang ni isa sa mga kinawatan este kinatawan ng kasaysayan ang nakaka ala-ala!

Baka naman hindi batid o alam ng mga taga-munisipyo at kapitolyo ng Bulacan na isa ang Bulacan Press Club Inc. sa naghatid ng mga buto o labi ni Plaridel mula sa Maynila noong 1984.

Kasama diyan ang National Press Club noong panahon ni Pangulong Tony Nieva at syempre ang mahusay na Senador Blas F Ople, Jose Rey Munsayac ng BPCI at si Dating Baliwag Mayor Mananghaya at iba pa.

Kung matataandaan natin mga ’igan ang NPC at BPC ang “kabalikat” ni Congressman Jose Antonio Sy-Alvarado na nagsusulong sa Kongreso na kilalanin si Plaridel hindi lang bilang lokal na bayani bagkus, bilang bayani ng sambayanang Pilipino?

Haissssssst, malupit talaga base sa kopya ng programa para sa pagdiriwang dahil kabilang sa programa ang Philippine National Police pero ang mga “anak at apo” ni Plaridel sa hanay ng media, wala. Tsk…Tsk…Tsk.

Sana hindi na maulit ang ganitong kabobohan, este, pagkakamali sa mga susunod na taon.

At sana nga sa susunod na taon, maipasa na ang batas na magtatakda sa kaarawan ni Plaridel, Agosto 30, bilang Philippine Press Freedom Day!

Para sa inyong mga reklamo at reaksyon mag-send lamang thony.arcenal@gmail.com. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here