Brgy. Chairman Eduardo Castro Dabu: Mr. Action Man

0
524

KASAGANAHAN, kapayapaan at kaayusan ang tinatamasa ng mga mamamayan sa isang komunidad kapag magaling at mahusay ang isang pinunong namamahala dahil taglay nito ang mga katangiang tulad ng pagkakaroon nang takot sa Diyos, matino, may puso sa kapwa, matalino, may integridad, matapang at may paninindigan.

Sa Barangay 15, District 3, Zone 2, ng Lungsod ng Manila ay may isang simple subalit kahanga-hangang lider na sinserong isinasapamuhay ang pagiging isang maaasahang lingkod ng bayan.

Ito ay si Chairman Eduardo Castro Dabu, maka-Diyos at totoong may malasakit sa kanyang mga nasasakupan sa kanilang barangay, bukod pa ang katapangan nito at pagiging sinsero na sugpuin ang samu’t saring krimen sa kanilang pamayanan para sa kapakanan ng lahat.

“Action Man”  kung bansagan ng kanyang mga constituents itong si Kapitan Dabu dahil antimanong binibigyan nito ng solusyon ang mga reklamong idinudulog sa kanyang tanggapan kung saan simula nang ito’y manungkulan noong taon 2010 ay agad nitong ipinatayo ang gusali ng barangay hall na nadudulugan na ng paghingi ng tulong ng mga residente.

Sadyang napakikinabangan ang Day Care Center sa naturang barangay pagkat patuloy na naidudulog dito ng mga may sakit o may karamdamang matatanda at kabataang residente ang kanilang mga karaingan ukol sa problemang pang-kalusugan at medical assistance tulad ng pambili ng gamot.

Prayoridad nang kapitan ang kanilang mga senior citizen dahil nireregaluhan ng kanyang tanggapan ng cake ang bawat matatanda na nagdiriwang ng kaarawan para maging masaya ito.

Lubos na nararanasan na rin ng mga residente sa nasabing komunidad ang katahimikan sa tuwing sila ay uuwi sa kanilang mga tahanan mula sa paaralan at pinagtatrabahuan dahil, naging kapaki-pakinabang ang mga naka-instalang 24 na Closed-Circuit Televisions (CCTVs) na nakatulong sa mabilis na pagka-dakip sa mga salarin na naghahasik ng pagnanakaw, snatching at kaguluhan sa nasabing barangay na dati ay talamak ang mga krimen dito.

Buo rin ang suporta ni Capt. Dabu sa adhikain ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na puksain ang iligal na droga sa bansa dahil sa kanilang barangay ay maraming kabataang lalaki at babae ang naiiwas sa paggamit ng mga bawal na gamot gaya ng marijuna at shabu.  Sumailalim sa “counselling” na bumalangkas at ipatupad ni Kapitan Dabu ang programang pampalakasan tulad ng basketball at volleyball.

Bilang isang lehitimong inhinyero ay nakahanay na rin sa sa ikalawang termino ni Kapitan Dabu ang proyekto para  sa upgrading of drainage at pagpapasemento ng bawat iskinita sa kanilang barangay gayundin ang patuloy na pagsasagawa ng  fogging for anti-dengue sa ilang malalamok na bahagi sa kanilang lugar para mapangalagaan ang kalusugan ng bawat residente roon. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here