Home National News Bride-to-be, 13 iba pa patay sa bumaligtad na truck

Bride-to-be, 13 iba pa patay sa bumaligtad na truck

283
0
SHARE

LEGAZPI CITY — Patay ang 14 na magkakamag-anak kasama ang nakatakda sanang ikasal habang 37 ang sugatan makaraang mawalan ng preno at sumirko ang sinasakyan nilang truck sa palusong na bahagi ng municipal road matapos ang kanilang pamamanhikan sa Brgy. Tagpocol, San Fernando, Camarines Sur noong Sabado ng hapon.

Agad nasawi matapos maipit at madaganan ng nasabing sasakyan ang mga biktimang sina Ailene Mirasol Pelaez, 48; Ramona Pelaez, 53; Sherwin Mendosa,18, Pedro Pelaez, Erwin Mendosa at Victoria Delos Reyes, 35; pawang residente ng Brgy. Magsayo at Brgy. Grijalvo.

Dead-on-arrival naman sa pagamutan sina Minda Sesiñano, Ramil Serrano, Marvin Chavez, Monalie Tariman, Mark Pelaez, Edcel Regodon, Agnes Farol at ang bride-to-be na si Bea Lucilo, 16-anyos, residente ng Brgy. Ngaran.

Nilalapatan din ng lunas sa Bicol Medical Center sa Naga City ang mga suga­tang sina Jomarie Ercia, Gladys Portuguese, Mike Pelaez, Carol Noble, Aiza Farol, Restituto Farol, Ruben Farol, Marlon Bosito, Salve Pelaez, Floriano Pelaez, Richly Floriano, Marisol Pelaez, Judian Cortez, Mario Jacobo, Jumar Solo, Judith Portuguese, Glydel Mendosa, Maryjane Jacobo, Florian Alde, Joy Reyes, John Cedrick Bosito, Christopher Capin, Frederick Delos Reyes, Shailin Pelaez, Sherwin Mendosa, Melody Cafe, Christoper Cafe, Prences Quiom, Jeffrey Bosito, Alvin Mangozo, Janica Mirasol, Shaina Cortez, Laiza Cortez, Menchie Pelaez, Mark Anthony Lucilo, Monalie Mayores at Mercy Lunas.

Base sa ulat, dakong alas-5:20 ng hapon pauwi na sa Brgy. San Joaquin ang mga biktima mula sa ginawang pamamanhikan sa Brgy. Ngaran lulan ng Foton Truck (GC-2316) na pag-aari ng munisipyo ng San Fernando at minamaneho ni Mario Jacobo nang mawalan ng preno at gumewang sa palusong na bahagi hanggang sa rumampa sa shoulder ng kalsada.

Sumirko pa ang truck ng ilang beses pababa dahilan para tumalsik ang karamihang sakay at nadaganan ang mga namatay.

Agad na sinaklolohan ng mga residente at mga pulis ang mga biktima na isinugod sa ospital.

Ayon kay Chief Master Sgt. Victor Silao ng San Fernando Police, hindi nakasama sa mga sakay ang groom-to-be o ang mapapangasawa ni Lucilo na hindi pa pinangalanan dahil sa nagpaiwan ito sa bahay ng huli makaraang hindi siya magkasya sa overloaded na truck.

Source: Pilipino Star Ngayon

SHARE
Previous articleItayo ang Republika para sa patuloy na pag-unlad — Speaker Gloria
Next articlePRO3 joins 121st Independence Day
A team of journalist came up with a newspaper that would complement the fast-paced development now happening in the country. Presently, social media, online news, and other multimedia press centers are active nowadays and the people behind RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente created a modern digital news site whose products include newsfeeds, online news releases and advertisements and it is entitled RONDA Balita Online News.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here