Home Bulacan Local News Bulacan, ipinagdiwang ang National Bible Week

Bulacan, ipinagdiwang ang National Bible Week

348
0
SHARE
NATIONAL BIBLE WEEK GUEST SPEAKER -- Iniaabot ni Gobernador Wilhelmino M. Sy-Alvarado ang katibayan ng pagpapahalaga at pagkilala kay Region III Assistant Regional Election Director Atty. Elmo T. Duque matapos itong maging panauhing tagapagsalita sa pagdiriwang ng Bible Week 2018 National Bible Month na may temang, “Ang Bibliya ang Sandigan ng Matuwid na Pamumuno at Pamumuhay” na ginanap sa Bulacan Capitol Gymnasium, Lungsod ng Malolos, Bulacan Lunes ng umaga.

LUNGSOD NG MALOLOS – May temang “Ang Bibliya ang Sandigan ng Matuwid na Pamumuno at Pamumuhay”, pinangunahan nina Gob. Wilhelmino M. Sy-Alvarado, Region III Assistant Regional Election Director Atty. Elmo T. Duque na siyang panauhing tagapagsalita at Bishop Bert Chan ang selebrasyon ng Linggo ng Bibiliya alinsunod sa Proklamasyon Blg. 124, s 2017na nagdedeklara sa buwan ng Enero ng bawat taon bilang National Bible Month na magtatapos sa huling linggo nito bilang National Bible Week.

Ani Alvarado, sa araw na ito ng Lunes kaalinsabay ng Lingguhang Pagtataas ng Watawat sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod na ito, binibigyang kahalagahan ang may kinalaman sa salita ng Panginoon na siyang pinakamakapangyarihan at pinakamahalaga na naitala sa aklat sa sangkatauhan.

“Hindi pwedeng bawasan, dagdagan, hindi nagkakamali, walang pasubali, ang mga utos at pangako ay hindi nasisira dahil galing sa ating pinakamataas na Maestro,” anang gobernador.

Gayundin, bukod sa pagbanggit ng nasusulat sa Mga Kawikaan 29:2 at Marcos 10:42-44, sinabi niya na ang paglilingkod sa kapwa ay tulad ng paglilingkod sa Panginoon.

Sa mensahe ni Duque, ibinahagi niya ang kahalagahan at kahulugan ng bibliya sa buhay ng tao. Aniya, ito ay iniakda ng Diyos at ang Kanyang salita ang nagsisilbing gabay sa buhay ng tao upang maging maayos ang pamumuhay at maging progresibo.

“Ang Banal na Kasulatan ‘pag binasa po natin, nababasa natin ang kaisipan ng Diyos, lahat po ng gusto ng Diyos na mensahe para sa tao ay nilalaman ng banal na bibliya,” ani Duque.

Ayon pa sa panauhing tagapagsalita, hindi basta-basta ang Bibliya. Ito ay dapat na binigyan ng importansya at dapat na araw-araw ay binabasa at isinasabuhay.

“Kung ang buhay po natin bilang indibidwal at naglilingkod sa gobyerno, may katungkulan sa gobyerno, isunod natin sa eternal word of God, pagpapalain po tayo ng Panginoong Diyos,” ani Duque. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleSenate OKs bill declaring Jan. 23 “First PH Republic Day”
Next articleRobinsons Land offers more rent-free spaces to SSS
ROSETH Eleogo Reyes or RR Eleogo is one of the owners of RONDA Balita. A single mother from Bulakan, Bulacan, and formerly an account officer and columnist of NewsCore, a local newspaper in Bulacan. She also worked in quality control department of Mighty Corporation. A part-time advertising representative of Remate, a national newspaper. She served as Director of Philippine Science Journalists Association Inc. Bulacan Chapter and member of National Union of Journalists of the Philippines (NUJP)- Bulacan Chapter. She won recently as Board of Directors of Bulacan Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here