Home Taklesa Bulacan Kuyas palalakasin sa 2nd Conference MPBL

Bulacan Kuyas palalakasin sa 2nd Conference MPBL

390
0
SHARE
An opinion column of Rosseth Eleogo

PALALAKASIN ni Cong. Jonathan “Kuya Jonathan” Sy-Alvarado, team owner, ang Bulacan Kuyas-Ligo Sardines para sa 2nd Conference ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) na nakatakdang magsimula sa June 12, 2018.

Bagong coach ang nakatakdang gumabay sa mga Kuyas sa katauhan ni Britt Reroma, dating RP Youth basketball team coach at gumabay sa San Beda Red Cubs ng manalo ito ng multiple championships sa NCAA.

Hindi matatawaran ang husay ni Coach Britt kaya marahil personal itong pinili ni Cong. Jonathan para siyang humawak sa mga Kuyas sa susunod na conference habang ang interim mentor na si Chris Baluyot ay magpo-focus muna sa paglalaro.

Si Coach Britt ay tatlong taon na namalagi at gumabay sa Malaysia at siya rin ang namuno para masungkit ng University of San Carlos Warriors ang kauna-unahang titulo sa Cebu Schools Athletic Foundation, Inc. (CESAFI) sa loob ng 57 years.

Lalakas pang lalo ang Bulacan Kuyas dahil bitbit ni Coach Britt si Gboy Babilonia, player ng Ateneo Blue Eagles at anak ng dating PBA player na si Gido Babilonia.

Ang 6-foot-6 na si Babilonia ay magiging frontliner ng mga Kuyas katuwang nina 6-foot-9 PBA legend Marlou Aquino, JR Taganas, Jerome Villanueva at ex-pros, James Martinez.

Nasa 6-3 win-loss record ang Bulacan Kuyas-Ligo Sardines sa katatapos lang na MPBL-Anta Rajah Cup kung saan napanalunan ng Batangas Athletics ang kampeonato.

Pero ang dating 10 koponan ay aabot na sa 20 team sa darating na 2nd Conference kaya mas magiging matindi labanan ng bawat koponan.

Madadagdag ang mga koponan ng Marikina, Mandaluyong, San Juan, Laguna, Pasay, Pampanga, Pasig, Makati at Davao Occidental.

Dadagsain na rin ng mga dating professional players ang naturang “fastest growing regional basketball league in the country.”

Kaya doblehin natin ang suporta sa mga Kuyas mga ka-Taklesa.

 

Hanggang sa susunod na isyu po ng RONDA Balita. Batu-bato sa langit ang tamaan ay PIKON!

Para sa ibang balita, maglog-on sa www.rondabalita.news.

Babu!

(Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0917 205 3350).

SHARE
Previous articleAgila ng Bulacan, guest speaker sa pagtatapos ng senior high sa Baliwag
Next articleGobyernong Hapon nagpapatupad ng serbisyong medikal sa katandaan
ROSETH Eleogo Reyes or RR Eleogo is one of the owners of RONDA Balita. A single mother from Bulakan, Bulacan, and formerly an account officer and columnist of NewsCore, a local newspaper in Bulacan. She also worked in quality control department of Mighty Corporation. A part-time advertising representative of Remate, a national newspaper. She served as Director of Philippine Science Journalists Association Inc. Bulacan Chapter and member of National Union of Journalists of the Philippines (NUJP)- Bulacan Chapter. She won recently as Board of Directors of Bulacan Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here