Bulacan Kuyas tinambakan ang Rizal Crusaders

0
560

BALIWAG, Bulacan — Hindi pinaporma ng Bulacan Kuyas Mighty Sports ang kalabang Rizal Crusaders ng tambakan nila ito ng 19 puntos sa score na 80-61 sa kanilang unang laro sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Datu Cup Season II na ginanap sa Baliwag Star Arena, sa nasabing bayan kamakailan.

Pinangunahan ni JayR Taganas ang Kuyas na pag-aari ni Cong. Jose antonio “Kuya Jonathan” Sy-Alvarado, Anta Rajah Cup semifinalists nung Season I ng naturang torneyo sa kanyang double-double performance na 10 points, 16 rebounds at 7 assists sa ilalim ng bagong head coach ng koponan na si Coach Britt Reroma.

Nanguna sa opensa ng Kuyas si James Martinez, na may averaged score na 9 points sa nakaraang MPBL tournament, na nagtapos ng 18 puntos na may 46 percent shooting average.

Nanguna naman sa Crusaders sa Paul Santiago sa kanayng 13 puntos, 8 sa first quarter at 5 puntos sa huling quarter habang walang naibuslo sa pangalawa at pangatlong quarter ng laro.

Nagkaroon lang ng 6 puntos ang Rizal sa 2nd quarter ng laro, at may shooting percentage na 2 out 16. Hindi nila nagawang makapuntos sa Kuyas sa huling 7 minuto ng huling bahagi ng laro.

Meron lang 33 percent shooting averaged ang Rizal basketball team sa kanilang 25 mula sa 74 na tira sa labas at may masamang tira sa 3-point area na 4 out of 27.

Nagkaroon ng 25 turnovers ang Kuyas na hindi sinamantala ng Crusaders na meron lang 18 points mula sa turnovers habang ang Bulacan ay may 18 puntos sa 18 turnovers ng Rizal.

Kinopo rin ng mga players ni Reroma ang shaded area sa paghugot ng 56 rebounds laban sa 36 ng Rizal.

Susunod na makakalaban ng Bulacan Kuyas ang isa pang expansion team na San Juan Knights sa Strike Gymnasium sa June 30. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here