Bulacan nakapagtala ng 46 bagong kaso ng COVID-19

0
185

CITY OF MALOLOS, Bulacan — Nadagdagan pa ng 46 bagong kaso ng nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID19) ang lalawigan hanggang nitong alas-4 ng hapon, Lunes (July 27).

Sa naitalang bilang, 7 rito ang nakarekober sa naturang sakit habang nanatiling nasa 46 ang mga namatay.

Sa kabuuang bilang mula sa datos ng Bulacan Provincial Health Office (PHO), sumampa na sa 1,140 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Bulacan.

Sa nasabing bilang, 747 ang aktibong kaso habang mayroong 347 ang kabuuang bilang ng recoveries.

Ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa loob ng 24-oras ay nagmula sa Lungsod ng San Jose del Monte ng may 10 kumpirmadong kaso, Hagonoy na may 9 na kaso, Bulakan 7 kaso, Meycauayan 6 kaso, Baliwag 5 kaso, Marilao 2 kaso habang ang Pulilan, Sta. Maria, Guiguinto, Bocaue, Calumpit, Malolos at Obando ay may tig-iisang kaso ng coronavirus.

Ang 7 nakarekober sa naturang sakit ay nagmula sa bayan ng Bulakan.

Sa kabuuang bilang ng mga kasong ng COVID-19 sa Bulacan, pinakamarami ang CSJDM na may 248 kaso na sinundan ng Lungsod ng Malolos na may 124 na kaso at Marilao na nagtala ng 121 kaso.

Muling ipinaaalala sa ating mga kababayan ang palagiang paghuhugas ng kamay, magsuot ng face mask at panatilihin ang social distancing sa lahat ng panahon.

Para sa COVID-19 status sa bawat lungsod at bayan na mula sa tala ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU), tignan sa www.bulacancovid19.ph (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here