Home National News Bulacan, pasok sa listahan ng pinakamayaman na probinsya

Bulacan, pasok sa listahan ng pinakamayaman na probinsya

123
0
SHARE

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Nananatili ang Bulacan sa listahan ng pinakamayayaman na probinsya sa Pilipinas dahil sa matagumpay na pagsasakatuparan nina Gobernador Wilhelmino M. Sy-Alvarado at Bise Gob. Daniel R. Fernando ng bisyon na umangat ang lalawigan sa pinansyal na aspeto.

Sa pagtutulungan nina Alvarado at Fernando, isang malaking hakbang ang ginawa ng Bulacan na nagresulta sa pagkakamit nito ng ikalimang pwesto sa listahan ayon sa Commission on Audit Annual Financial Report-Top Ten Provinces, Cities and Municipalities with the Highest Amount of Assets (in million pesos).

“Bulakenyos deserve the best services and the best environment to live in. So, we strive very hard to fulfill our commitment to make our province exemplary in terms of governance and financial stability. We are very happy that through the years that we worked along with Vice Governor, that vision is no longer a just a dream, it is a continuing reality,” ani Alvarado.

Noong 2015, nakamit ng Bulacan ang pinakamataas na kita mula sa lahat ng probinsya na may kita na P3.79 bilyon. Umabot ang asset nito sa P8.96 bilyon noong 2016, at tumaas pa ng P10.451 bilyon ang asset noong 2017.

Gayundin, sa administrasyon nina Alvarado-Fernando, nakatanggap ang lalawigan ng ilang malalaking pagkilala tulad ng International Organization (ISO) 9001:2015 Certificate na sinisiguro ang episyenteng kalidad ng sistema ng Pamahalaang Planlalawigan, apat na sunud-sunod na taon ng Seal of Good Local Governance, National Gawad Kalasag Hall of Famer Award, magkakasunod na Rice Achievers Awardee at Most Business-Friendly Province at iba pa.

Bilang resulta, malalaking mamumuhunan ang tumitingin sa Bulacan bilang isang lumalagong lokasyon na maaaring pagtayuan ng mga negosyo at ibang proyektong pang-imprastraktura katulad ng iminumungkahing New Manila International Airport (Bulacan International Airport Project), ang relokasyon ng gusali ng ABS-CBN at iba pa. Gayundin, ang kasalukuyang konstruksyon ng Bulacan Bulk Water Supply Project na magbibigay-daan sa malinis at naiinom na surface water na may mababang halaga para sa mga Bulakenyo. Nagsimula na rin ang paggawa ng MRT Line 3 at PNR Phase 1 kasabay ng pagsasagawa ng groundbreaking ceremony nito sa pangunguna ng DPWH at DOTr kasama ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan.

“Progress is an ongoing process. With us, fellow Bulakenyos, working hand-in-hand, we can have a province that is progressively moving non-stop,” dagdag ni Fernando. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleDrug suspect killed, 15 arrested while 438 were rounded-up in Bulacan police operations
Next article2 killed, 15 nabbed in Bulacan police anti-drug sting
ROSETH Eleogo Reyes or RR Eleogo is one of the owners of RONDA Balita. A single mother from Bulakan, Bulacan, and formerly an account officer and columnist of NewsCore, a local newspaper in Bulacan. She also worked in quality control department of Mighty Corporation. A part-time advertising representative of Remate, a national newspaper. She served as Director of Philippine Science Journalists Association Inc. Bulacan Chapter and member of National Union of Journalists of the Philippines (NUJP)- Bulacan Chapter. She won recently as Board of Directors of Bulacan Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here