Home Taklesa Bulacan police, low morale? Anyare

Bulacan police, low morale? Anyare

767
0
SHARE

GAANO katotoo itong nabalitaan ko na karamihan umano sa mga miyembro ng Bulacan PNP ay demoralisado o mababa ang morale.

May ilang opisyal na napilitan na lang mag-schooling huwag lang makasama sa kampo ang kasalukuyang provincial director na si Sr. Supt. Chito Bersaluna.

Naku kung may katotohanan ito, malaki ngang problema ito PD Bersaluna.

Pero kung ating aanalisahin ang bawat pangyayari o hihimayin, may katuwiran nga na bumaba ang morale at ma-demoralize ang miyembro ng Bulacan PNP.

Sobra raw ang pagkamasunurin ni PD Bersaluna sa pulitikong amo nito. Inupo niya na ang isang opisyal at kapag ayaw ng amo niyang politiko, tanggal agad kesehodang hindi pa nag-iinit ang tumbong ng opisyal sa puwesto.

At araw lang ang tinatagal sa puwesto. Hirap.

Meron nga diyang mga opisyal na ang ganda ng performance pero sibak din kapag ayaw ng amo mo!

Bow ka lang ng bow sa gusto ng amo mong pulitiko.

Huwag na nating isa-isahin kung sinu-sinong opisyal ang nakaranas nito. Pero PD in fairness sa iyong pamumuno lang nangyari ito.

Ipaglaban mo naman sir ang iyong mga tauhan. Ipakita mo ang bagsik ng pagiging Bersaluna.

Heto pa, sa pagkakalaam ko (correct me if I’m wrong) eh ikaw lang sir, (bukod tanging ikaw lang) sa lahat ng naging provincial directors ang nagdiwang ng birthday sa Hiyas ng Bulacan.

At sa iyong pamumuno lang din sir, nag Christmas Party ang kampo na walang imbitadong media. Yung mga mamamahayag na naglalabas ng balita ng Kampo ay NGANGA!

Bulong naman ng isang opisyal sa inyong abang lingkod, paano maiimbitahan ang media kung ang mga anak o kapamilya ng mga pulis ay hindi pinasasama ni PD Bersaluna, Anyare?

PD Bersaluna may panahon pa naman siguro para manumbalik ang trust and confidence ng Bulacan PNP.

Hindi lang puro pagpapapogi sa television.

Hanggang sa susunod na isyu po ng RONDA Balita. Batu-bato sa langit ang tamaan ay PIKON!

Para sa ibang balita, maglog-on sa www.rondabalita.news.
Babu!

Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0917 205 3350. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleObando’s No. 1 drug personality, nabbed
Next articleOne Philippines Party-list, inilunsad sa Bulacan
ROSETH Eleogo Reyes or RR Eleogo is one of the owners of RONDA Balita. A single mother from Bulakan, Bulacan, and formerly an account officer and columnist of NewsCore, a local newspaper in Bulacan. She also worked in quality control department of Mighty Corporation. A part-time advertising representative of Remate, a national newspaper. She served as Director of Philippine Science Journalists Association Inc. Bulacan Chapter and member of National Union of Journalists of the Philippines (NUJP)- Bulacan Chapter. She won recently as Board of Directors of Bulacan Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here