Bulakenyo dismayado sa ‘demolition job’ laban kay Gov. Daniel

0
233

AYON sa isang political analyst na aking nakapanayam, labis umano ang naging pagkadismaya ng mamamayang Bulakenyo sa nangyayaring “political demolition job” laban kay Gobernador Daniel R. Fernando, anila ito ay isang maruming pamamaraan sa laro ng politika.

Umani ng simpatiya ang naturang gobernador sa naging usapan ng isang kilalang radio station hinggil sa mga negatibong akusasyon laban dito na sinasabing “overprice” daw ang mga binili na sardinas, manok at bigas ng Pamahalaang Lalawigan na ipinamahagi sa relief goods response. Lumabas din umano sa isang pekeng account sa socmed na may titulong “Bantay Kaban – Bulacan”.

Kapani-paniwala ba naman ang nasabing paninira? Kada isang piraso ng manok ay nagkakahalaga ng P1,223 habang ang kabang bigas ay aabot sa P5,300.  Ang isang kahon ng sardinas ay nagkakahalaga ng P3,562.50!

Tsk! Tsk! Tsk! Hala! Tila sinisilihan na ang “wetpaks” ng taong may pakana ng mga paninira! Hinay-hinay lang malayo pa ang halalan baka maubusan kayo ng bala nyan! Lumaban naman kayo ng parehas! Batid po ng lahat eh may kumita na dyan! Hehehe… (Kaumay na!)

Ayon sa mga Bulakenyong nakapakinig at nakapanuod nito sa social media ay lubhang napakaaga pa para mamulitika at magsiraan. Ayon na rin sa inihayag ng gobernador bagkus dapat tayo ay magkaisa at magtulungan para mapagtagumpayan ang ating dinanas na pandemya dulot ng COVID-19.

Mariing ipinahayag ni Gov. Fernando na “hindi niya gagawin ang mga paratang sa kanya una na dahil may takot siya sa Diyos kaya sana sinoman ang mga nasa likod ng troll account o sa mga taong nagkakalat ng naturang paninirang ito ay matakot kayo sa Diyos!

Hiling ni Gob. Daniel, na antayin muna ang eleksyon! Ngayon ay panahon muna ng paglilingkod at pagtawag sa Panginoon!

Nananawagan din si Fernanado na mag-ingat ang lahat sa mga kumakalat na Fake News! (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here