BulSU teacher na inireklamo ng sextortion, timbog!

7
50135
Ang suspek na si Lester Torres, 32-anyos, residente ng Barangay Panasahan. Guro at volleyball coach ng Bulacan State University (BulSU). (Kuha ni Jose Erwin Bunag)

CITY OF MALOLOS, Bulacan — Arestado ang isang guro at volleyball coach ng Bulacan State University (BulSU) matapos bumagsak sa entrapment operation ng Anti Cyber Crime ng Region 3 dahil sa reklamong sextortion.

Ang suspek ay kinilalang si Lester Torres, 32-anyos, residente ng Barangay Panasahan sa nasabing lungsod habang ang nagrereklamo ay isang Grade 9 student na binatilyo na itinago sa pangalang Yael, 15-anyos.

Kasama ang RONDA BALITA news team sa ikinasang entrapment operation laban sa guro nitong Huwebes bandang 7:45 ng gabi.

Napili ng suspek ang madilim na abandonadong DepEd Building sa compound ng Kapitolyo ng Bulacan.

Sa palitan ng mensahe sa pagitan ng guro at biktima ay nais ni Torres na i-blind fold at itali pa ang kamay ng estudyante bago isasagawa ang kahalayan.

Bagay na pumayag ang estudyante at nakipagtagpo nga sa guro upang madakip ito ng otoridad.

Hindi na nakapalag pa si Torres nang siya ay dakmain ng mga operatiba sa likod ng nasabing gusali.

Nagkukunwari pa si Torres na tila hindi alam kung ano daw ang nangyayari at bakit siya dinampot.

Nakuha sa kaniya ang cellphone at ang lubid na ipapangtali sana sa biktima.

Itinatanggi naman ng guro ang paratang at napulot lamang daw niya ang naturang cellphone.

Ayon naman sa estudyante, naka-chat niya ang guro noon pang Disyembre na nagtatago sa magandang larawan ng babae.

Hiningan siya nito ng video na may kahalayan at binigay naman sa ka-chat na babae.

Lingid sa kaalaman ng estudyante, ito pala ay ang naturang guro at nagbanta na ipapakalat ang mahalay na video kapag hindi ito nagpagamit sa guro.

Isasalang din sa forensic examination ang cellphone ng guro kung may iba pa itong mga nabiktima.

Ang guro ay kasalukuyang nasa kustodiya na ng Anti Cyber Crime Unit 3 Region 3 na mahaharap sa kasong sextortion at anti-voyeurism law in relation to child abuse. (RONDA BALITA Online)

7 COMMENTS

  1. Professor namen siya. Isa siya sa pinaka hinahangaan kong prof. Hanggang di naman sana napapatunayan wag muna ninyong i judge. Napaka bait kasi ni sir. Kung makikilala nyo siya sa personal.

  2. guro ko sya sa movement education. napaka galing ni sir mag turo nakaka brain storm sya yung teacher na walang ibang dala kungdi ballpen lang pag nag didiscuss kaya hanggang hamga ako sakanya lalo na kapag SCIENCE ang pinag uusapan. kaya laking gulat ko nalang ang,balita na to kay sir

  3. napaka bias ng paraan ng pagbabalita mo.meron ka.kagad verdict!napakahusay na guro nyan at matinong tao.maraming lapses yung balita mo.set up yang ginawa ng bata na yan.baka galit sya kay lester.at hindi abandonado yung building na yan.may nag oopisina jan may mga nakakabit pa ngang aircon diba!!!kung gagawa ng krimen malapit tlaga sa paaralan na pinagtratrabahuhan nya.kung nagpanggap syang babae nauna sya sa crime scene?diba dapat huli syang darating kase titignan nya kung darating ang bibiktimahin nya?tutal hindi nmb sya kilala nung bata dahil sabi nyo nagpanggap na babae.saka maaga pa yung oras ha.yung tali pwede nmn na andun na sa lugar na yun.tsk…tsk…makapagbalita lang!hindi man lang inalam muna ang lahat ng anggulo.

  4. naging teacher siya 2 kong anak at pamangkin na nagaaral sa school na yan. nasabi ng mga bata na magaling daw talaga si sir magturo at napakahusay niya.siya yong teacher na walang dala kundi ang sarili pag pumapasok sa klase para magturo. Ang tanong dito kung menor de edad ang batang estudyante, how come na bihasa siya sa ginawaing sex video para isend sa chat, kahit sabihin pa na babae yon or whoever yong ka-chat niya, how come at that very young age, he can do such kind of video, ibig sabihin he is also bihasa in doing it, or maybe pinagkakakitaan niya na ito for quite sometime. There are various road or angle to take into consideration too. Madaming member ng LGBT na hindi all out in the public. It would also be unfair to look this kind of circumstance in favor only of the minor (student), authority should also look at the other side of the story to avoid bias in coming up with the decision. Anyway, sir, it was a sad to see you and hear a news like this for you who is very talented and skillful teacher as you are. Let the truth comes out.

  5. Sanay lumabas na ang tunay na story minsan kaya nakakatamad manuod ng news kasi hindi accurate. Wala naman pinakita sa video na piniringan talaga ni sir ang batang Boldstar 😂 Pa inusente effect ung bata halatang experto sa pamamakla Imbestigahan mabuti yan frame up lang yan ..

  6. Napakantanga nyo talaga. Nagpakita lang ng konting kabaitan, hindi na makakagawa ng kalokohan? Ang mga dimonyo dating anghel mga yan. Sino namang pupunta doon sa madilim na lugar e di syempre ung kachat nya. At bakit sa dilim , syempre gagwa ng kadimonyouhan. Siguro maniniwala lang kayo pag anak o kamaganak nyo na ang inabuso. Ang mga bakla, gagawin lahat para sa sex, dahil wala ngang pumatol. Parang ngayon lang kayo pinanganak. Nakapulot ng cellphone. Wag ako bakla. Mukhang matagal mo na ginagawa yan. Naka face mask ka pa. Mukhang pjnaghandaan mo talaga.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here