Home National News Buntis lumaklak ng pampalaglag, tigok!

Buntis lumaklak ng pampalaglag, tigok!

41
0
SHARE

PATAY ang isang 23-anyos na buntis matapos na ilaglag ang 6-buwan sanggol na nasa sinapupunan nito nang uminom ng abortive pills kamakalawa ng gabi sa loob ng isang hotel sa Sta. Cruz, Maynila.

Hindi na naisalba pa ng mga doktor sa Jose Reyes Memorial Medical Center si Jen, taga-Sta. Cruz, Maynila. Natagpuan namang nakalutang sa loob ng toilet bowl ang may 6-buwang fetus ng biktima na hindi na nakita ang kasarian.

Sa imbestigasyon ni PMSg. Rey San Pedro, ng Manila Police District-homicide section, naganap ang insidente dakong alas-9:15 ng gabi sa Rm. 306 ng AJ Star Hotel sa 1736 Rizal Avenue Sta. Cruz, Maynila.

Ayon sa room boy ng hotel, alas-3:15 ng hapon nang mag-check-in mag-isa ang biktima. Pagsapit ng alas-9:15 ng gabi ay tumawag sa front desk ang biktima at humingi ng tulong.

Nabatid na nagawa pa ng biktima na mabuksan ang pintuan ng kuwarto bago ito nag-collapse. Sa loob ay napansin ang mga nakakalat na dugo mula
kuwarto papuntang CR kung saan nakita ang fetus sa inidoro.

Bagama’t naisugod sa pagamutan ay nasawi rin ang biktima.

Nakuha ng mga pulis sa inupahang kuwarto ni Jen ang 21 piraso ng Methylergometrine, 2 cytotec, 6 amoxicillin at 6 paracetamol tablets.

Patuloy ngayong nag-iimbestiga ang pulisya sa insidente.

Source: Abante.Tonite

SHARE
Previous articleP52 milyong halaga ng alahas, natangay ng 5 babae
Next articleMayor Agila Natividad, patuloy ang pamamayagpag
A team of journalist came up with a newspaper that would complement the fast-paced development now happening in the country. Presently, social media, online news, and other multimedia press centers are active nowadays and the people behind RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente created a modern digital news site whose products include newsfeeds, online news releases and advertisements and it is entitled RONDA Balita Online News.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here