Buntis na ‘tulak’ arestado sa Mabalacat

0
95
Ang tulak ng iligal na droga na si Victoria Medina habang akmang inaaresto ng otoridad. Ang suspek ay tatlong buwang buntis. (Kuha ni Jose Erwin Bunag)

MABALACAT CITY , Pampanga — Timbog ang tatlong buwang buntis sa ikinasang buy bust operation ng mga operatiba sa Brgy. Sta. Maria sa nasabing lungsod nu’ng Miyerkules (Feb. 19).

Ang mga plastic sachet na may lamang shabu at ang buy-bust money na nakuha sa suspek. (Kuha ni Jose Erwin Bunag)

Nakilala ang suspek na si Victoria Medina, 26 taong gulang at residente sa naturang barangay.

Sa ilang linggong pagmamanman ng mga kapulisan ay nagpositibo ang suspek sa kalakaran ng iligal na droga dahilan para ilatag ang buy bust operation labvan dito.

Inamin ng suspek sa RONDA BALITA na kahit buntis ay patuloy pa rin siya sa paggamit ng ilegal na droga.

Mahaharap ang suspect sa paglabag sa RA 9165 Sec 5 and 11 at nakapiit sa Mabalacat City Detention Facility. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here