Bustos Dam, isa sa 3 dams na gagawing tourist spot

0
534

ISA umano ang Bustos Dam sa tatlong dam na balak gawing tourist dastination na pinag-aaralan gawin ng National Irrigation Administration (NIA)

Ayon kay NIA Administrator Ricardo Visaya, inaayos na nila ang pakikipag-ugnayan sa mga local government units at iba pang pribadong investors na maaaring maging partner sa paggamit ng NIA-owned dams bilang tourist destinations.

Ang dalawa pang dam na maari umanong gawing tourist spot ay ang Caliraya Dam sa Laguna at Pantabangan Dam sa Nueva Ecija.

Ani Visaya, ito munang tatlo ang magsisilbing pioneer tourist destinations at kapag pumatok ay maaaring gawin din sa iba pang dams sa ibang lugar,

Aminado si Visaya na sa ngayon ay wala pang detalyadong pag-aaral sa usapin subalit nakasisiguro umano sila na papatok ito dahil makakapagbigay ito ng kasiyahan sa mga bisita, lalo na kung maglalagay ng inland fishing, kayaks riding, bicycle riding, wall climbing, rapelling, zip lines at iba pang team building activities sa loob ng area.

Maliban sa karagdagang kita para sa Ecotourism ng bansa, makapagbibigay din umano ng karagdagang kaalaman ang pagbubukas sa publiko sa kahalagahan ng watershed.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here