Candon City, best LGU sa buong Ilocos Sur

0
440

VIGAN CITY — Hindi magkamayaw sa tuwa si Candon City Hon. Mayor Ericson Singson matapos na tanghalin muli ngayong taon na ito ang Candon bilang Best LGU sa buong probinsya ng Ilocos Sur.

Nabatid na ito ang pangatlong taon na makuha ng naturang lungsod ang karangalan ito kaya naman ibinibilang na sila bilang Hall of Famer sa SIGLAT LGU Awards na ibinibigay taon-taon ng pamunuan ng naturang probinsya tuwing Kannawidan Ylocos Festival.

Ayon kay Singson, ang tagumpay na ito ay tagumpay ng lahat ng mga opisyal at ng mamamayan ng Candon City. Ito ay bunga ng kanilang matibay na pagkakaisa at pagtutulungan para mapanitiling maayos, payapa at patuloy sa pag-unlad ang naturang lugar.

Dahil dito, ipinapaabot ni Mayor Ericson Singson ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga taga-Candon sa lahat mga suportang ibinibigay nila sa mga programa at proyektong ipinapatupad ng City government of Candon. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here