Carribean Water Park Resort, bukas na sa publiko

0
123
An opinion column by Louie C. Angeles

DAHIL sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) na ang Lalawigan ng Bulacan ay pwede ng magbukas ang resort lalo’t maliit lamang ang kaso ng COVID-19 sa isang bayan at mapapanatili ang health protocol.

Bagama’t nagbukas na ang Carribean Water Park Resort, ang mga nais maligo ay kailangan sundin ang Inter-Agency Task Force (IATF) rule sa limit ng mga maliligo sa anim na ektaryang lupain ng resort.

Kaya kung nasa 6,000 ang maximum capacity nito ay dapat na 3,000 katao lamang ang kanilang papapasukin sa resort.  

Ayon sa Management ng Carribean Water Park Resort 1,500 lang muna ang kanilang papapasukin upang maiwasan ang hindi paglabag sa social distancing ng mga naliligo sa mga pools ng maiwasan ang anumang problema ng hawahan ng virus na COVID 19.  

Bagama’t naging sabik ang mga tao na mag-swimming dahil sa haba ng panahon ng pandemic ay hindi maaring dagsain ang naturang resort.

Kaya naman tanging pakiusap ng management ng Carribean Water Park Resort ay huwag dumagsa sa araw ng Sabado at Linggo para maiwasan ang paglabag sa health protocol lalo na ang social distancing.  

Nais ng naturang resort na laging makasunod sa mga health protocols na tinatagubilin ng IATF para mapanatili ang kaayusan. Huwag rin maging pasaway upang hindi makasira sa maayos na patakaran ng CWPR.

Noong nakaraang Oktubre 11, 2020 ay hindi inaasahan ng management ng resort ay na biglang dumagsa ang mga nais maligo ay kanila subalit agad  na-kontrol ang pagpapasok ng mga kustomer para maiwasan ang paglabag sa social distancing.  

Nagulat na lamang ang kumpanya na may naglabas agad sa social media na umano’y nawala ang social distancing sa harapan at loob ng naturang resort.

Nakatutuwa naman at ng makita ng management ang naturang pangyayari ay agad silang gumawa ng paraan kung paano maiiwasan ang pagkadikit-dikit ng mga nais magtampisaw sa tubig.

Inaasahan din ng management ng CWPR na hindi na mauulit ang naging pagdagsa ng mga tao nu’ng nakaraang Sabado dahil nakagawa agad sila ng paraan kung paano malilimitahan ang mga tao at patuloy na mapanatili ang social distancing. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here