Home News Report CBCP binalaan ang publiko sa pagkalat ng ‘Satanic Rosary’

CBCP binalaan ang publiko sa pagkalat ng ‘Satanic Rosary’

258
0
SHARE

NABABALA ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa publiko sa pagkalat sa bansa ng mga “Satanic Rosaries”.

Ayon sa CBCP, ang naturang rosaryo ay maaring may dalang sumpa at magdulot ng kapahamakan sa isang tao.

Anila, maari rin itong mang-engganyo ng mga masasamang espiritu ang sinumang makakakuha nito.

Sa unang tingin, makikitang walang pagkakaiba ang ‘Satanic rosary’ sa isang regular na rosaryo.

Ayon kay Novaliches Office of Exorcism (Libera Nox) assistant case officer Philippe De Guzman, kung hindi susuriin mabuti ang naturang mga rosaryo, hindi ito matutukoy bilang isang ‘Satanic Rosary’ na gawa ng grupo umano ng mga ‘Illuminati’ na sumasamba kay Satanas.

Maaaring matukoy kung ‘Satanic Rosary’ ang isang rosaryo kung may makikitang araw na may sinag sa may ulo ng nakapakong Hesukristo at ahas sa likurang bahagi ng imahe ni Hesus.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here