Home Katropa Rumoronda CCTV cam sa mga kalye ng Pandi at ang matagumpay na festival...

CCTV cam sa mga kalye ng Pandi at ang matagumpay na festival sa LSJDM

24
0
SHARE
Opinion Column ni Vic  Billones lll

NAGING matagumpay ang pagdaraos ng Tanglawan Festival sa Lungsod ng San Jose Del Monte (LSJDM,) Bulacan, kaalinsabay ng pagdiriwang ng ika-18 Taong Anibersaryo ng Pagsasa-lungsod ng LSJDM, na ginanap sa Barangay Minuyan proper. Ang naging pagdiriwang ng makulay na Tanglawan ay pinangunahan nina Mayor Arturo Robes, VM Efren Bartolome, Jr, Sangguniang Pang-lungsod at Kongresista Florida Robes.

Tuwang -tuwa at bakas sa mukha ng mga San Josenios ang kaligayahan, ng sila ay ating kapayanamin, tungkol sa pagtatapos ng nasabing okasyon. Isa sa ating nakaharap na San Josenio, isang mayuming dilag ay nagsabing “napakasaya ng Tanglawan, maraming bagay na natutuhan kaming mga magkaka-barkada, nagkasama-sama kaming nanood ng magagandang sayaw, mga nakaka-igayang indak ng mga mananayaw. Nakapanood din kami ng mga makukulay na parada at marami kaming nabiling produktong yaring pinoy sa Trade fair. Sir Vic, pakisulat mo rin iyung Alay Lakad na kasama kami mula sa District 1 ng Barangay Minuyan 2. Napakadami ang nakilahok, umabot sa libu-libong katao, kasi bawat barangay ay may partisipasyon.”

Atin rin nakadaumpalad ang ginagalang na City Administrator ng LSJDM na si Dr. Dennis Booth, Ph.D., na hiningan din natin ng pahayag hinggil sa katatapos na Tanglawan Festival. Ayon kay Booth, “habang umaabante tayo sa bawat-taon ng ating ‘celebration,’ ay umaangat at tumataas ang antas ng kalidad, at naging mas puno at malawak ang sakop ng ating mga activities.
Sa ngayong taon ‘generally’ ay napakaganda ng resulta, kung tatanungin mo ang mga San Josenio, para bang sila ay nakaranas ng panibagong sigla, dulot ng bagong kamalayan na ang ating Lungsod ay isa ng Rising City.”

Habang kinakapanayam natin si Booth ay dama din natin ang kanyang kagalakan na makapagbigay ng makabuluhang pananaw sa katatapos na festival. “Naging punong -puno ang ating schedule of activities: Sports, Beauty Pageant, fireworks, may involvement din tayo sa mga athletics, at iyung ating usual na night bazars o night market. At saka we’re celebrating our 18th year, so, nagsagawa tayo ng cotillon de honor ito ay isang masiglang sayaw para sa pagdiriwang ng ika-labing walong pagsasa-lungsod ng San Jose Del Monte. So, sa bahagi ng pamunuan ng City Government, kami ay masaya sa naging ‘involvement’ ng lahat ng sektor ng lipunan: barangay, eskuwelahan, private and business sectors, hanay ng mga kabataan, mga estudyante, hanay ng mga religious sectors and the same time, nakikita natin ang talagang 100% involvement na rin ng ating mga empleyado sa gobyerno, pati ang mga nasa barangay,” patapos ng masipag na City Admin ng LSJDM.

Tsk! Tsk! Tsk! Ganap na naging makulay ang katatapos na Tanglawan Festival, kasing kulay ng mga kuwitis o paputok na ipinakita sa nabanggit na pagdiriwang. Ang Tanglawan Festival ay ang opisyal na pagdiriwang o pista sa LSJDM, na naisabatas sa pamamagitan ni Kongresista Florida Robes. Mabuhay ang San Josenios!

*****

CCTV cam sa bawat kalye ng Pandi

Nais nating bigyang pugay si P/C Insp. Manuel De Vera, Hepe ng Pulisya ng bayang Pandi, sa kanyang pagpupursige na malagyan ng mga CCTV Camera, ang mga pangunahing lansangan sa bayang naturan. Ang panukala ay napagpasyahan at inaprobahan ni Pandi Mayor Celetino Marquez, sa harapan ng mga kasapi ng Municipal Advisory Council, kamakailan.

Posibleng sa paglabas ng ating kolum, si De Vera ay wala na sa kanyang puwesto, bilang puno ng Pandi PNP. Ayon sa butihing pinuno ng pulisya, ang kanyang termino bilang hepe ng pulisya sa Pandi ay magtatapos sa ika-15 ng Setyembre, 2018. Nakalulungkot, bagamat ang kanyang maiiwang ala-ala at pamana na magkaroon ng istalasyon ng mga CCTV Camera, sa mga pangunahing daan ay napakalaking bagay sa taumbayan ng Pandi.

Tsk! Tsk! Tsk! Salamat sa iyo Hepe De Vera at kay Mayor Marquez ng Pandi. Mabuhay po kayo!

Para sa nais magpalathala, narito ang ating email: billones@ralo.org or katropa2003@yahoo.com. Hanggang sa muli. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here