Home National News Chavit, nanganganib madiskwalipika dahil sa isyu ng residency

Chavit, nanganganib madiskwalipika dahil sa isyu ng residency

467
0
SHARE

ILOCOS SUR — Nasa bingit nang alanganin sa kasalukuyan ang kandidatura ni PCL President Luis Chavit Singson matapos na isinumite noong Lunes (Nov. 12) sa Comelec central office ang isang petisyon para kanselahin ang inihain na Certificate of Candidacy ng dating Governor para tumakbong Mayor sa Narvacan, Ilocos Sur.

Sa 15 pages na petition letter na inihain ni Former Mayor Edgardo Zaragoza, ang makakalaban ni Singson sa pagka-alkalde sa naturang bayan sa darating na May 2019 election, direktang sinabi ni Zaragosa na dapat umanong makansela ang COC ni Singson dahil naglalaman umano ito ng misrepresentation hinggil sa eligibility nitong tumakbo bilang alkalde sa kanilang bayan na may kaakibat na panlillinglang sa mga botante.

Nakasaad sa naturang petition letter na hindi umano na-establish ni Singson ang kanyang residency requirement for local elective officials sapagkat alam ng nakararaming mamamayan na hindi siya natutulog o nakatira sa sinasabi niyang address sa No. 353 National Highway, Brgy. Sulvec, Narvacan , Ilocos Sur sa nakalipas na apat na taon.

Ayon kay Zaragoza, ang domicile o ang bahay ni Singson ay sa Vigan, Ilocos Sur. Nakatira umano ang dating Governor sa napakagarbong Baluarte property na isang 80 hectares Prime Vigan land at hindi sa bahay sa Brgy. Sulvec na sinasabing bahay ni Singson na may dalawang maliliit na kuwarto lang, gawa sa mumurahing material at ang bubong ay gawa sa pawid.

Sinabi ni Zaragoza na kahit minsan ay hindi nakitang natulog sa Brgy. Sulvec ang dating governor. Hindi rin daw alam ng naturang opisyal ang mga nangyayari sa Narvacan sagpakat hindi siya pumupunta sa mga barangay, dumadalo at nakikilahok sa anumang aktibidad ng kanilang bayan at kung minsan ay paminsan-minsan din kung dumadalo sa mga session ng sangguniang bayan.

Dagdag pa ni Zaragoza, kung mayroon talagang magandang hangarin na maglingkod si Singson para sa mga Narvacaneo, dapat lang niyang lisanin ang kanyang magarbong bahay sa Baluarte na kung tutuusin ay doon naman siya nakatira kasama ang kanyang pamilya.

“Ang nakikita ko lang naman na rason kung bakit siya nagpunta dito sa Narvacan at nagpatayo ng bahay ay para sa political ambition niyang agawin sa amin ang pamumuno sa bayang ito at siyempre, may iba pa siyang mga nakatagong dahilan na ewan natin kung para sa ikabubuti o hindi ng mga mamamayan ng Narvacan,” ani Zaragoza.

Umaasa si Zaragoza na ang inihain niyang petisyon ay mabibigyan ng tama at agarang aksyon mula sa Comelec. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleP10-million reward money vs gun-for-hire gang leader
Next articleTop 6 most wanted in San Miguel, arrested by Bulacan police
Si Rolando S. Gamoso ay naging Editor-In-Chief ng dating THE AMIANAN WEEKLY EXPOSE’, isang weekly newspaper na may sirkulasyon sa buong Region I, CAR at Region II. Naging reporter/news correspondent siya for Region I sa mga pahayagang tulad ng: DAILY BALITA, TANOD Newspaper, BOMBA, PINOY PARAZZI, at POLICE FILES TONITE. Sa ngayon ay reporter/columnist siya sa THE AMIANAN BULLETIN at THE ILOCOS HERALD, pawang mga local newspaper na circulated weekly sa Ilocos Region. Maliban sa pagiging aktibo niya sa print media, aktibo rin siya sa pagiging miyembro ng broadcast media.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here