Home National News Chief ng Tanod sa Norzagaray, timbog sa baril

Chief ng Tanod sa Norzagaray, timbog sa baril

43
0
SHARE

NORZAGARAY, Bulacan — Timbog ang isang hepe ng barangay tanod sa Brgy. Tigbe sa nabanggit na bayan makaraang makuhanan ng mga baril at mga bala sa loob ng bahay ni Martes ng umaga (Dec. 18).

Sa ulat ni P/Supt. Mark April Young, chief ng Bulacan Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), kinilala ang supek na si Dioscorro Madrid, 46-anyos, residente ng naturang barangay.

Inaresto ang suspek bandang alas-6 ng umaga sa bisa ng Search Warrant na inisyu ni Branch 16 Vice Executive Judge Sita Jose Clemente sa kas\ong paglabag sa RA 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act makaraang makuhanan ito ng ang isang 12-guage shot gun at isang armscor cal. 38 na baril at mga bala.

Ayon naman sa supek ay kailangan niyang magpundar ng baril dahil marami na syang natatangap na banta sa kanyang buhay. Kaya kailangan nyang idepensa ang kanyang sarili at ang kanyang pamilya mula sa mga kamag-anak ng kanyang ipinahuli sa dahil iligal na droga.

Nabatid na walang kaukulang mga dokumento ang na recover na mga armas.

Kasalukuyang nakadetine ang suspek sa Bulacan CIDG Detention Cell.

Source: Thony Arcenal

SHARE
Previous articleRD Coronel spearheads first convening of Law Enforcement meeting
Next article23,000 Bocaueños avail citizen ID card
A team of journalist came up with a newspaper that would complement the fast-paced development now happening in the country. Presently, social media, online news, and other multimedia press centers are active nowadays and the people behind RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente created a modern digital news site whose products include newsfeeds, online news releases and advertisements and it is entitled RONDA Balita Online News.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here