Home Top Story Chimera Land Theme Park Sa Malolos, Kauna-unahan sa ‘Pinas!

Chimera Land Theme Park Sa Malolos, Kauna-unahan sa ‘Pinas!

2548
1
SHARE

MALAPIT nang magkatotoo ang isang pangarap. Ang magiging tulay para ang isang pangarap ay magkaroon ng buhay.

At ito ang kauna-unahang sustainable theme park sa bansa at sa lungsod ng Malolos makikita — ang Chimera Land Theme Park.

Pinangunahan ni City Mayor Christian D. Natvidad katuwang si Gng. Maritess at kanyang mga anak na sina Christian at Carlo ang groundbreaking ceremony ng Chimera Land Theme Park noong Biyernes.

Ang first of its kind theme park na nakatakdang itayo sa City of Malolos na makapagbibigay ng kasiyahan sa pamilya hindi lang sa Bulacan kundi maging sa mga kalapit probinsiya.

Ang konstraksyon ng Chimera Land theme park ay agad na sisimulan makaraang isagawa ang ground-breaking ceremony noong nakaraang Friday sa kahabaan ng MacArthur Highway, Brgy. Sumapang Matanda, City of Malolos.

Ang groundbreaking ceremony na pinangunahan ni City Mayor Atty. Christian D. Natividad, kasama sina Bulacan First District Rep. Jose Antonio R. Sy-Alvarado and Bulacan tourism officer Dr. Eliseo dela Cruz bilang kinatawan ni Gov. Wilhelmino Sy-Alvarado, katuwang ang Chimera Land theme park owner Tess Sta. Ana at kanyang mga anak na sina Carlo, Christian at Teresa, sa paglalaglag ng time capsule kung saan nakapaloob ang blue print at plano ng nasabing entertainment complex.

Ang pamilya Sta. Ana, may-ari ng itatayong theme park sa Malolos kasama ang mga bisita sa groundbreking ceremony ng Chimera Land.

Ayon kay Mayor Natividad, ang Chimera Land Theme Park ay makatutulong para mas lalong umangat ang turismo sa lungsod na mayaman sa kultura at tradisyon.

“Hindi na kailangang pumunta pa sa South Korea, Hong Kong, Singapore, Japan at Thailand para lang masilayan ang ganda ng mga ito dahil sa pagbisita sa Chimera Land theme park na nakatakdang buksan sa Disyembre ay parang nalibot mo na ang mga bansang ito,” ani Mayor Natividad.

Ayon kay Mam Carol Padua, Marketing Officer ng Chimera Land, “naiiba ang theme park na ito dahil kailangan mong sumakay ng eroplano papasok sa loob ng theme park.  May flight attendants at  pilots. May tatlong minuto para maranasang sumakay sa eroplano at duon ka ibababa sa nais mong pasyalan.”

Ang ginawang unveiling ceremony ng itatayong Chimera Land Theme Park sa Lungsod ng Malolos.

“May mga sasalubong na naka-national costume ng bansang gusto mong puntahan,” dagdag pa ni Mam Padua.

Ayon naman kay Gng. Maritess Sta. Ana, “una ay pangarap lang namin ng aking mga anak ang makapagpatayo ng ganitong klaseng pasyalan, pero ngayon ay isa nang katotohan.”

“Sabi ko nga sa mga bata, huwag apurahin at ipagdasal kung talagang para sa atin,” ani pa ni Gng. Sta. Ana.

“And now, dream will come true,” sabi nito.

Si Gng. Maritess Sta. Ana ng Chimera Land Theme Park.

Ani naman ni Christian Sta. Ana, ang Chimera ay may dalawang kahulugan. Sa Greek Mythology ay isang hayop na apat ang mukha at ang isang kahulugan ay pangarap na naging realidad.

“Chimera Land theme park will be bridging dreams and reality,” ani pa nito.

Sabi naman ng kapatid nitong si Carlo Sta. Ana, mas maraming Bulakenyo ang mabibigyan ng trabaho kapag pormal ng binuksan ang nasabing theme park.

“Maliban sa mga empleyado ng mismong theme park, may mga concessionaires na mangangailangan rin ng mga empleyado kaya hindi lang mga Bulakenyo ang mabibigyan ng trabaho kundi maging ang mga taga-ibang lugar,” dagdag pa ni Carlo.

Si Gng. Maritess Sta. Ana (kanan) at ang dalawang anak na sina Carlo at Christian kasama si Ms. Carol Padua, marketing officer ng Chimera Land Theme Park.

Dagdag pa ni Mam Padua, “kauna-unahan ito sa Pilipinas. Chimera Land Theme Park na experience ang dala at hindi produkto”.

SHARE
Previous articleMayor Tinoy Marquez sinagot ang mga bintang ng mga petisyoner
Next article21 dead, 64 arrested in anti-drug ops on Bulacan Day
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin Editor-in-Chief An ex-seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City, and graduated Philosophy as major course, Political Science as minor, at the Aquinas University of Legaspi City. But landed in Journalism. A former Journal Group of Pub lication (People's Journal, Peoples Tonight, Taliba & Women's Journal) PT staffer for 17 years, simultaneously contributed to 3 local newspaper in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). A former Journal Group provincial correspondent, Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler.

1 COMMENT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here