Home National News China: Amin ang Spratlys Island

China: Amin ang Spratlys Island

18
0
SHARE

NANSHA Islands na ang itatawag ng Foreign Ministry ng China sa buong Spratly Islands dahil ito ay kanilang ng pag-aari.

Sa isang press conference na ginanap noong Huwebes, sinabi ni Chinese Foreign Ministry spokesman Lu Kang na bahagi ng kanilang teritoryo ang Spratlys batay na rin sa “sufficient historical and historical basis”.

Binigyang-diin pa nito hindi dapat kinukuwestiyon pa ang karapatan ng mga mangingisdang Chinese na magtungo sa South China Sea dahil matagal na panahon na aniyang nangingisda sila sa naturang karagatan.

Tugon umano ito ng China sa pahayag ng mga opisyal ng Pilipinas tungkol sa pinag-aagawang mga teritoryo sa nasabing lugar.

“We have taken note of those remarks made by the Philippine officials. The Nansha Islands are within China’s territory, for which we have sufficient historical and legal basis,” pahayag pa ni Lu.

Sa kabila nito, sinabi ng opisyal na “committed” sila para sa kapayapaan at kaayusan sa South China Sea sa pakikipagtulungan ng iba pang bansa sa rehiyon.

Umaasa rin umano sila na magpapatuloy negosasyon at konsultasyon sa pagitan ng China at Pilipinas para maresolba ang mga gusot sa maayos at mapayapang paraan.

Source: Abante

SHARE
Previous articleKabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) launched in Bulacan
Next articleBangkay ng Pinoy lolo sa US, tinapon sa kanal
A team of journalist came up with a newspaper that would complement the fast-paced development now happening in the country. Presently, social media, online news, and other multimedia press centers are active nowadays and the people behind RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente created a modern digital news site whose products include newsfeeds, online news releases and advertisements and it is entitled RONDA Balita Online News.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here