Home National News Chinese lesbian kinatay ng 4 na kabaro dahil sa love triangle sa...

Chinese lesbian kinatay ng 4 na kabaro dahil sa love triangle sa Makati

87
0
SHARE

MAKATI CITY — Nadiskubre ng isang security guard ang mga pinagputul-putol na katawan ng isang babaeng Chinese na pinaniwalaan na pinagtulungang paslangin ng mga kasama nito sa bahay sa The Lerato Residence Tower 1, Malugay St., Brgy. Bel-air sa nabanggit na lungsod nu’ng Huwebes ng hapon (Nov. 22).

Nakilala ang biktima na si Wang Yalei, 26-anyos, habang kinilala naman ang mga suspek na sina Zhang Chuning, Zhan Cha Quan, Wang Xue, at Zhang Yi Xi.

Base sa report ng security guard na nakadiskubre sa bangkay ng biktima, isang kasambahay umano ang nagbigay sa kanila ng impormasyon tungkol sa isang nylon bag na may mga damit at kutsilyo na may bakas ng dugo ang kanyang natagpuan.

Mabilis na nireview ang CCTV at duon nila nakita ang mga suspek na dala ang nylon na bag galing sa tinutuluyan ng mga suspek.

Sa ginawang pag-iimbestiga ng NCRPO, sinabi ni Police Director Guillermo Eleazar na umamin ang apat na suspek na sila ang responsable sa krimen sa pamamagitan ng isang interpreter dahil umano sa love triangle matapos magkagusto ang isa sa mga suspek sa kasintahan ng biktima na isang lesbian at duon nagkaroon ng komprontasyon na nauwi sa pagpatay sa biktima. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here