Home National News Chinese national na nasa likod ng P1.8-B shabu, pinangalanan

Chinese national na nasa likod ng P1.8-B shabu, pinangalanan

15
0
SHARE

MANILA — Sa pamamagitan ng privilege speech ay ibinunyag ni Senator Panfilo Ping Lacson ang Chinese national na nasa likod umano ng 276 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng 1.8 billion pesos na dumating sa bansa nitong March 22.

Ang nabanggit na droga ay nasabat sa Manila International Container Port (MICP) na nakasilid sa tea packaging at idineklara bilang plastic resin.

Sa impormasyong nakuha ni Lacson, ang Chinese national ay si Zhijian Xu alyas Jacky Co na siyang may-ari ng Feidatong International Logistics Company na nakabase sa Bulacan.

Si Co aniya ay nasa listahan ng interpol watchlist at kabilang sa mga most wanted persons sa China.

Napag-alaman pa ni Lacson na sangkot din umano sa kidnapping si Co at sa huling kinasangkutan nitong kaso ay humingi ito ng 250 million pesos na ransom.

Tanong ni Lacson, bakit sa kabila ng pagkakasangkot ni Co sa mga ilegal na aktibidad sa Pilipinas at China ay naging napakadali sa kanya na makalabas ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong April 3 o ilang araw matapos masabat ng mga otoridad ang ipinuslit nitong ilegal na droga.

Source: rmn

SHARE
Previous articleConstruction of railway from Manila to Bicol starts this year
Next articleNotorious drug peddler in Angeles City, arrested
A team of journalist came up with a newspaper that would complement the fast-paced development now happening in the country. Presently, social media, online news, and other multimedia press centers are active nowadays and the people behind RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente created a modern digital news site whose products include newsfeeds, online news releases and advertisements and it is entitled RONDA Balita Online News.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here