Chinese national timbog sa shabu na inihalo sa kanin

0
129
ang nahuling suspek na si Zhang Cun Hua na nagtangkang magpasok ng shabu na inihalo sa kanin sa isang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa Clark Freeport Zone sa Pampanga nu'ng Lunes, Feb. 10, 2020. (Kuha ni Jose Erwin Bunag)

CLARK FREE PORT, Pampanga — Kalaboso ang isang 29-anyos na Chinese national matapos mahulihan ng shabu na inihalo sa kanin sa Clark Freeport Zone nu’ng Lunes (Feb. 10).

Ang shabu na nasamsam sa isang Chinese national na inihalo sa kanin. (Kuha ni Jose Erwin Bunag)

Kinilala ang suspek na si Zhang Cun Hua, tubong Emeisan City, Shichuan, China.

Base sa ulat, natuklasan ang mga pakete ng shabu sa loob ng lunch box na naglalaman ng kanin na dadalhin ng suspek sa kaibigan na nagtatrabaho sa isang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa nabanggit na lugar.

Nang inspeksyunin ng mga security guard ng POGO ang dala ng suspect na pagkain ay doon nakita na nakasiksik sa kanin ang sachet ng shabu.

Dito na nagpatawag ng otoridad ang security personel upang mai-turn over ang suspek.

Hindi na nagbigay ng pahayag sa media ang suspek hinggil sa kaso. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here