‘Chismosa’ virus mas nakamamatay kaysa Novel Coronavirus

0
753

BALAGTAS, Bulacan — Mas malupit umano at nakakamatay ang pagkalat ng “Infodemic” o epidemya ng tsismis na ang epekto ay magpa-nerbiyos at lumikha ng takot kumpara sa 2019 Novel Corona virus (nCOV) mula sa bansang China.

Kaya naman umapela si Department of Health Secretary Francisco Duque na iwasang magpakalat ng hindi beripikadong impormasyon tungkol sa NCOV na kahalintulad ng ‘Infodemic’.

Aniya, ang Infodemic ay gaya ng isang infictious disease na mabilis nagdadala ng maling inpormasyon sa publiko sa pamamagitan ng isang tao gamit ang social media.

Nagdudulot umano ng anxiety at takot o pagkabahala sa publiko ang hatid ng maling impormasyon mula sa ‘Infodemic’ virus na mabilis kumalat sa social media at maaring makamatay.

Nanawagan siya sa publiko na pag-aralan mabuti ang kanilang sini-share lalo na kung hindi beripikado ng kinauukulan para hindi maging bahagi ng salot na virus.

Sinabi pa ni Duque na laging maging handa ang publiko at tumutok sa kanilang mga inilalabas na impormasyon tungkol sa naturang virus.

Nakatutok na umano ang DOH sa buong bansa sa pamamagitan at tulong ng ibat-ibang ahensiya para hindi makapasok ang naturang virus.

Makakatulong umano ang paggamit ng face mask sakaling lumabas ng bahay dahil ang naturang virus ay posibleng sumama sa hangin.

May malaki umanong maitutulong ang pagbahing sa “antecubital” o pagitan ng forearm kumpara sa kamay.

Dahil dito,pinayuhan na din ang publiko na huwag na munang makipag-beso beso at makipagkamay upang matiyak ang kaligtasan sakaling makapasok ang naturang virus sa bansa mula Wuhan,China kamakailan. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here