City College of SJDM, idea of Mayor Robes — Dr. Booth

0
202
Opinion Column ni Vic  Billones lll

NAGING matagumpay ang ikatlong taong pagdiriwang ng pagkakatatag ng City College of San Jose Del Monte, na ginanap sa Road 1, Minuyan Proper, City of San Jose Del Monte (CSJDM,) Bulacan, nitong ika-2 ng Marso, 2020.

Sa isang ekslusibong panayam ay maikling pinaliwanag ng Pangulo ng nasabing Kolehiyo na si Dr. Dennis Booth, ang pagkakatatag ng City College of San Jose: “this is a commemoration, this a way of celebrating our successes, iyung ating our accomplishments, achievements for the past three years, this is a way of telling our people what we’ve already achieve so far.”

Ang ating City College of San Jose Del Monte ay itinatag ‘precisely’ upang bigyan ng daan yung mga batang San Josenios na makapag-aral sa Kolehiyo, sa isang kaparaanan na ‘accessible’ na malapit sa kanila. Subsidize, libre ang tuition fee, at piling-pili iyung mga kurso na ating inilaan sa kanila batay sa pangangailangan ng industriya.

So, ang tanging gagawin na lamang nila ay mag-aral, ‘because the opportunity is brought to the level of their door steps,’ so iyun lang ‘in essence’ na maging bahagi ang Lungsod sa paghubog ng isang magandang bukas para sa kanila, lalo na sa mahihirap na San Josenios.

Sa talumpati ni Booth, sa naturang okasyon, sinabi niyang ito ay ideya ni Mayor Arthur Robes (CSJDM,) “to establish a higher educational institution that will precide over the learning needs of young San Josenios, and train them to become God Fearing Law abiding and Civic oriented young San Josenio has just become a reality.”

Tsk! Tsk! Tsk! Ang City College of San Jose Del Monte, ay maiiwang pamana ng administrasyong Robes para sa mga San Josenios, ‘later on’ ay makikilalang isa sa maunlad na Kolehiyo sa hinaharap. Talagang masuwerte ang mga San Josenios, dahil sa pamunuan pa lamang ng nasabing Kolehiyo ay mga kilalang bihasa at batikan na sa larangan ng pagtuturo at pamamahala. Mabuhay!


Padalang ulat ni Vicente Anda Ole, “Trapik sa SLEX nakasasagad na! Wala ng pinipiling oras ang matinding trapiko na regular ng kinakasalamuha ng mga motoristang dumadaan sa South Luzon Expressway (SLEX). Ito ay bunsod na ginagawang extension ng sky way sa isang gilid na bahagi ng SLEX. Anila, nasisira na ang kanilang kridibilidad sa kanilang mga trabaho sa kadahilanang hindi na nila naibibigay ang eksaktong oras na hinihingi sa kanilang mga pinaglilingkuran,

Tsk! Tsk! Tsk! Sa kinauukulan, bigyan po ninyo ito ng pansin. Hanggang sa muli.

Previous articleAng epidemic kontra pandemic
Next articleSikyu, madalas api sa batas ng paggawa!
VIC Billones lll was born and raised in Manila, Philippines. He started writing short stories and illustrating in Comics competitively while studying B. S. Journalism at the Lyceum of the Philippines, Intramuros, Manila, in 1977 and graduated in 1981. After graduating from college, he started to write and work in several national newspapers such as The Philippine Tribune, Liberty, KABAYAN and broadsheet Sun Star Manila as a correspondent in the Province of Bulacan. In 2003 he toured in Los Angeles California, USA, for a month. Before he left USA, he met Mr. Calvert Dacanay, then Publisher of TALIBA. Inc. Billones became a columnist and designated as Bureau Chief of TALIBA, Inc USA, based in the Philippines and he left the USA in 2011. In July 2016, Billones asked to work as Consultant for Media Affairs, for City Administrator’s Office at the City of San Jose Del Monte (CSJDM,) Bulacan. Until now, besides his job in CSJDM, he pursues his passion for writing weekly column for RONDA BALITA and RONDA Online News; Board of Editor/Columnist for SAKTO Balita; Columnist for Waterfront News, LATIGO Newspaper, Mabuhay Newspaper, CENTRO News, News Watcher and Luzon Times; Associate Editor/Columnist for KLIMA Newspaper.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here