Home Batok sa Kaliwa, Suntok sa Kanan Clerical works bawasan upang makapagturo ng maayos ang mga guro

Clerical works bawasan upang makapagturo ng maayos ang mga guro

207
0
SHARE
An opinion column by Rolando S. Gamoso

HINDI maitatangging pababa nang pababa ang kalidad ng edukasyon dito sa bansa. Ito ay bunsod sa mga iba’t ibang kadahilanan tulad ng hindi pa kumpletong supply ng mga aklat; masyadong malaki ang bilang ng mga bata sa ratio na 1 teacher:35 or more pupils; mahirap i-disiplina ang mga bata dahil sa protektado sila ng Child Protection Policy, at siyempre ang nakikita nating pinakarason kung bakit nagiging ganito ay dahil sa sobra-sobrang trabaho ngayon na ibinibigay sa mga guro.

Kung tutuusin, ang totoong trabaho ng mga guro ay ang MAGTURO. Hindi ko alam kung bakit may mga kasama na ngang Teacher’s Manual o Teacher’s Guide ang mga ginagamit nilang Textbbooks sa pagtuturo, hayun at kailangan pa rin nilang gumawa ng Daily Lesson Log (DLL) na kokopyahin lang din nila mula sa mga Teacher’s Manual o Teacher’s Guide na ‘yan.

Ang paghahanda ng mga instructional devices at kung ano-ano pa na kailangan nilang ihanda para mapadali at higit na maunawaan ng mga bata ang kanilang mga itinuturo ay bahagi po ng kanilang trabaho kaya okey lang na mapunta ang oras nila sa mga ganitong trabaho.

Kaya lang, ang paggawa ng DLL na ‘yan, na kung saan ay kinikopya lang nila mula sa mga Teacher’s Manual o Teacher’s Guide na ‘yan ay isang napakalaking PAGSASAYANG NG ORAS na dapat sana ay gamitin na lang nila sa paggawa ng instructional devices o intervention materials na malaki ang maitutulong para mas madaling maituro o maipaunawa sa mga bata ang leksyong itinuturo.

Maliban sa pagiging abala sa paggawa ng mga DLL, marami na pong napadagdag na trabaho ang mga guro.

Nandyan ang pag-iinventory mga school properties, plant and equipments na dapat ay trabaho sana ng isang property custodian at hindi ng isang guro lalo na kung ang guro ay isang class adviser; pagtimbang at paggawa ng BMI reports na dapat sana ay trabaho ng isang Nutritionist o kaya’y school nurse; paggawa ng mga napakaraming rush reports gaya ng narrative report; pag-fill up sa mga survey-survey; at kung ano-ano pa na umaagaw sa atensyon at oras ng mga guro na dapat sana ay maibuhos na lang sa pagtuturo sa mga bata at sa paghahanda sa mga gagamitin nila sa pagtuturo.

Kung ang gagawin lang sanang trabaho ng mga teacher ay ang magturo at ihanda at kanilang mga kakailanganin sa pagtuturo, masasabi natin na walang dahilan para mapabayaan nila ang mga bata.

Nakatitiyak akong mas aangat ang kalidad ng edukasyon dito sa bansa lalo pa kung magkaroon sila ng kaunting kalayaan sa pagdisiplina sa mga bata.

Ano’ng say ninyo, mga ‘igan? Tama ako, ‘di ba?

*****

PERSONAL: Gusto ko lang pong magpasalamat sa mga sumusunod: 1st Disrict of Ilocos Sur Board Member Mildred Elaydo; Sangguniang Panlungsod Member Aileen Rhoda Itchon Acal ng Candon City; J/Chief Insp. Bruno B. Mariano, Jail Warden ng BJMP-Candon City at lahat ng kanyang mga kasama; Mrs. Josena G. Roque; Brgy. Kagawad Melvin Lucero ng Brgy. Bagar (Candon City); Brgy. Captain Felix R. Ridulfa ng Brgy. Villarica (Candon City); ang Brgy. Councils ng Brgy. San Agustin, Candon City na pinamumunuan ni Brgy. Captain Myrna G. Mina, at ang City Councils ng Candon na pinamumunuan ni Vice-Mayor Kristelle G. Singson.

Ang mga taong binanggit ko po ay malaki ang naitulong para maging successful ang ginawang Search for Mr. BSP and Ms. GSP 2019 ng Bagar Elementary School noong January 23, 2020 sa ginanap na School BSP & GSP Joint Camporal.

Sa kanila po galing ang mga trophy at cash prizes na ibinigay sa mga nanalo sa nasabing pageant.

Maraming salamat po. More blessings to come! (RONDA BALITA Online)

SHARE
Previous articleSM City Baliwag’s new stores to visit this 2020
Next articleNLEX Harbor Link Segment 10 partially open in February
Si Rolando S. Gamoso ay naging Editor-In-Chief ng dating THE AMIANAN WEEKLY EXPOSE’, isang weekly newspaper na may sirkulasyon sa buong Region I, CAR at Region II. Naging reporter/news correspondent siya for Region I sa mga pahayagang tulad ng: DAILY BALITA, TANOD Newspaper, BOMBA, PINOY PARAZZI, at POLICE FILES TONITE. Sa ngayon ay reporter/columnist siya sa THE AMIANAN BULLETIN at THE ILOCOS HERALD, pawang mga local newspaper na circulated weekly sa Ilocos Region. Maliban sa pagiging aktibo niya sa print media, aktibo rin siya sa pagiging miyembro ng broadcast media.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here