Coco ninamnam ang buhay probinsyano sa kanyang maliit na farm

0
191

PAHINGA ngayon ang mga artista ng halos one-month dahil sa COVID-19 kaya naman ang actor na si Coco Martin ay nagkaroon ng panahon para sa kanyang small farm na mag-harvest ng kanyang mga pananim na gulay.

Ibinahagi niya sa kanyang Instagram account ang pagiging probinsyano.

Ipinost niya ang mga naaning talong, ampalaya, petchay, atbp. na kuha sa mini-farm katabi ng kanyang mansion house na matatagpuan somewhere in Quezon City.

Ang mga netizens ay natuwa sa hobby ng ‘Ang Probinsyano’ actor.

Anila, dala-dala raw talaga ni Coco hanggang sa kanyang mansion ang pagiging Cardo Dalisay.

Sadyang hindi raw talaga mahilig sa magagarbong bakasyon ang actor gayung pagkakataon na rin naman daw sana niyang makapagpahinga out of the country.

Sa IG account ay ibinahagi rin ng actor ang pagdidilig ng kanyang mga panananim.

Ang daming naiinggit sa actor dahil napakalamig daw ng kanyang kamay sa mga pananim, kumbaga may green thumb siya.

Hindi lang gulayan ang makikita sa mini-farm ni Coco kundi may mga prutas din tulad ng papaya, mangga, etc.

Hinihimok niya ang kanyang mga followers na magtanim din kesa ang magkalat sa kapaligiran. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here