College professor at estudyante, arestado sa P75K shabu sa Bocaue

0
291

BOCAUE, Bulacan — Rehas na bakal ang kinasadlakan ng isang college teacher at isa sa kanyang mga estudyante matapos maaresto sa buy-bust operation na inilatag ng Bocaue police sa Sitio Balubaran, Brgy. Duhat kamakailan.

Base sa ulat, kinilala ang mga suspek na sina Jessica Rose Enriquez, 26, dalaga, college instructor at Julia Enriquez, 21, dalaga rin, kapwa residente ng Brgy. San Jose, Dasmariñas, Cavite.

Sa inisyal na imbestigasyon, isinagawa ang operasyon laban sa mga suspek nu’ng Biyernes (June 26) sa Sitio Balubaran sa nasabing barangay.

Matapos maberipika ng pulisya ang report na “source” ng droga ang dalawa sa lugar ay nagsagawa sila ng buy-bust operation.

Aniya, nakabili ang kanilang poseur-buyer ng halagang P5,000 shabu sa dalawa kaya agad na dinampot.

Nasamsam sa kanila ang 5 sachet ng shabu na nasa 25 gramo at nagkakahalagang P75,000, isang weighing scale, isang Toyota Vios (DAZ 6293) at iPhone 11 matte black.

Sinasabing kapwa nasa PNP at PDEA watchlist ang dalawang dalaga.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong pag-iingat at pagbebenta ng droga. (RONDA BALITA Online) 

Previous articleMan stabbed dead in relocation site in Bocaue
Next article50 ‘tomador’ arestado sa kapistahan ni Apung Iru sa Apalit
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, an editor-in-chief of RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente, and RONDA Balita Online News was a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated Philosophy as major course, Political Science as minor, at the University of Santo Tomas, Legaspi City but landed and became a journalist. A former Journal Group of Publication (People's Journal, Peoples Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before he was simultaneously contributed news articles to 3 local newspaper in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). A former Journal Group Bulacan correspondent, Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here