Home News Report Comelec inanunsyo ang araw ng paghahain ng COC

Comelec inanunsyo ang araw ng paghahain ng COC

159
0
SHARE

NAGLABAS ng pahayag  ang Commission on Elections o COMELEC sa lahat ng aspirante para sa posisyon ng punong barangay, kagawad at SK chairman at SK kagawad na sa Setyembre 23 hanggang 30 ang paghahain ng kanilang Certificate of Candidacy.

Bagama’t wala pang naipapasang batas na nagpapaliban ng eleksyon ngayong taon sa mga posisyon sa barangay kaya maaaring matuloy ang elekson sa barangay.

Maging sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ay maituturing na pasado na, ngunit sa Senado ay wala pang naipapasa. Kaya’t  ang COMELEC ay 100% ready na para sa barangay elections sa Oktubre 23, 2017.

Magsisimula ang election period mula September 23 hanggang October 30, 2017.

Maaari lang ipagpaliban ang naturang halalan sa barangay at SK kapag makapag-pasa agad ng panukalang batas sa Senado na gawin ang eleksyon sa susunod na taon at mapirmahan ni Pangulong Rodrigo R.  Duterte.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here