Home Pilantik COMELEC walang paninindigan?

COMELEC walang paninindigan?

26
0
SHARE

ALAM nating lahat na sa anumang laban may nanalo at may natatalo na siyang uuwing luhaan , subalit hindi rin nawawala ang Lintek na Dayaan , ang pandaraya nitong mga TUSO at yaong MAGUGULANG sa laban .

Tulad sa larong basketbol, papaano mananalo ang isang koponan kung sa loob ng court ay 7 ang kanilang kalaban. Marahil naman po ay alam na alam na ninyo ang ibig kong sabihin at ipakahulugan.

Ganyan di po sa halalan, walang ipinagkaiba sa larong basketbol, nakalalamang ang mayroong makinarya at nakapusisyon o silang nasa kapangyarihan. Gagamitin ang dapat gamitin kung kinakailangan lalo’t alam nila na tagilid ang lagay at laban ng kanilang minamanok sa nasabing labanan .

Kagaya nitong nakaraang halalan, sinong tao na may matinong kaisipan ang maniniwalang hindi gumawa ng milagro itong mga taong nasa posisyon . Alam na alam ng taong bayan kung anu-anong panggugulang na pamamaraan ang kanilang pinaggagawa manalo lamang sila at hindi mangapahiya.

Isang halimbawa ay ang laban sa Mataas na Kapulungan (Senado) kung saan ay masyadong garapalan at kaduda-duda ang naging resulta at kinalabasan ng naging bilangan.

Hindi kayang bilangin sa daliri ng ating mga paa’t kamay ang mga taong nagtatanong kung ano at paano nangyari at ganoon na lamang ang kinalabasan o resulta ng bilangan ng boto sa nasabing halalan, subalit para doon sa mga kandidato at sa nagpapakamatay nilang mga suporter, naniniwala sila na MINANIPULA ang naging resulta ng nasabing botohan.

Kung sabagay, malinaw namang talaga na sobrang garapal ang ginawang lutuan sa nakaraang halalan kung saan ay nagsipanalo ang mga kandidatong ni sa hinagap ay hindi mo iisiping mananalo, partikular yaong mga taong nakulong dahil sabit sa katiwalian, mga mandarambong at nagnakaw sa pera ng taong bayan.

Ayon sa marami nating kababayan na nagpuputok ang mga kalooban, nagpagamit ang COMELEC sa nag-iisang taong siyang utak at may pakana ng lahat upang ipanalong lahat ang kanyang magsisilbing Alagad at mga Tuta sa hinaharap.

Nagpagamit umano ang COMELEC dahil sa matinding takot sa pasimuno ng MILAGRONG naganap.

Baka nga naman sipain sila sa mga posisyon na kanilang hawak kapag hindi sila tumalima.

Dahil sa UMAALINGASAW na kabulukan sa ating pamahalaan at maging sa mga pagdududang walang katapusan , ang tanong ngayon may pag-asa pa kayang tumino ang takbo at kinabukasan ng ating mga kababayan? Lugmuk na lugmok na at bilad na bilad na tayo sa kahihiyan, magsasawalang kibo na lamang ba tayo ng ganun – ganon na lang ?

Sana naman ay matuto tayong manindigan at huwag pasindak sa taong tayong taong bayan ang siyang nagluklok sa kanyang kinalalagyan. Huwag naman tayong magmistulang tau-tauhan sa sarili nating bayan. COMELEC, matuto ka namang manindigan at hindi iyang sunud-sunuran na lamang! (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here