Computer Science, dapat isama sa eduacation curriculum

0
52
Opinion Column by Thony DP Arcenal.

KABAYAN dahil sa modernong panahon, nais ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel na isama sa basic education curriculum ang computer science upang madagdagan ang kaalaman ng mga estudyante.

Sa pamamagitan ng Senate Bill 99 o ang proposed Computer Science Act, naniniwala si Pimentel na kapos ang kasalukuyang enhanced basic education program upang makatugon sa mga pangangailangan ng makabagong panahon.

Aniya “to thrive in this global and high-tech market place of the 21st century, one must be able to create technology,”

Naging basehan ng SB99 ang 2017-2018 Global Competitiveness Index kung saan ang overall ranking ng Pilipinas ay nasa  ika-56 mula sa 137 bansa at ika-61 sa “innovation and sophistication factors”.

Nakasaad sa panukala mga kabayan na irereporma ang disenyo ng K-12 program at isasama ang computer science, computer literacy at information and communications technology bilang bahagi ng basic subjects sa lahat ng level mula kinder.

Pinatitiyak sa panukala na maagang made-develop ang kabataan sa computer programming skills na kinakailangan sa higher level education.

Maging ang Department of Education (DepEd) ay kailangang maisama sa pagtuturo ang lahat ng subject sa lahat ng level sa paggamit ng computer o ang kinakailangang introduction hinggil sa computer at modern technology.

Mga ’igan, obligado rin ang naturang kagawaran na magbigay ng kinakailangang training sa mga guro at school administrators at dapat makipagtulungan ito sa Department of Information and Communications Technology (DICT) para sa pagbalangkas ng nararapat na curriculum.

Bayan, kung  papabor agad ang mayorya ng Senado sa panukalang batas ni Pimentel, malaki ang maitutulong nito sa paghubog at pagtuklas sa mga kabataan.

Sa panahong ito ng distance o blended learning mas mainam na maagang mamulat ang isipan ng maraming mag aaral modern technology lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Bueno, abangan natin mga readers ang magiging desisyon ng mga senador sa SB99.

*****

Droga sa loob ng kulungan sa Guiguinto, paano nakapasok?

Kamakailan mga kabayan, nagkaroon umano ng operasyon ang mga pulis Guiguinto dahil sa talamak umano ang bentahan ng shabu sa nasabing municipal jail..

Labis ang pagtataka ng mga nitizens kung paano nakapapasok ang illegal na droga sa maliit at masikip na kulungan gayong ilang hakbang lang ito sa tanggapan ng PNP?

Mantakin nyo mga ’igan, dalawang hakbang lang mula sa opisina ng Chief of Police at katabi lamang ng investigation section ang nasabing lock-cell pero hindi nila natunugan ang matagal ng problema sa kulungan.

Ayon sa mga kwento ng ilang inmate na gusto na daw magbagong buhay sa oblo, talamak pa rin daw ang bentahan dito ng droga

Ang tanong po mga ’igan, kung ito’y nangyayari sa isang masikip at maliit na lugar ng kulungan na katabi lamang ng opisina ng COP, paano pa kaya ang mga kulungan na medyo malayo sa kanilang mga bantay?

Ano sa palagay ninyo mga kabayan, naniniwala ba kayo sa sinasabi ng mga pulis na nasa paligid nito na hindi nila alam ang illegal na transaksyon?

Anyway, noon mga ’igan, isa sa patakaran sa hanay ng PNP, kapag ang isang bayan ay nagkaroon ng isang malaking krimen, halimbawa ay may pinatay or malaking holdapan na naganap ay tiyak na sibak ang hepe ng pulis. Ito ang tinatawag na one-strike police.

Sa naganap na pangyayari sa oblo ng Guiguinto Jail kaugnay sa illegal drugs mabibigyan kaya ng aksyon? Sino kaya ang dapat managot?

Bulacan Provincial Director Col. Lawrence Cajipe sir, sino ang dapat papanagutin sa pangyayari? Barangay Tanod po ba o traffic enforcers? Tsk… tsk… tsk! Nagtatanong lang naman sir.

Para sa inyong mga reklamo at reaksyon mag-send lamang sa thony_arcenal@gmail.com. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here