Home National News Condo unit sa San Juan ng Koreanong drug dealer, nakuhanan ng P13.5...

Condo unit sa San Juan ng Koreanong drug dealer, nakuhanan ng P13.5 milyong shabu

88
0
SHARE

SAN JUAN CITY – – Sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng Eastern Police District (EPD), Northern Police District (NPD), Detective Investigation and Intelligence Group (PNP-DI-IG) ang condominium unit ng isang Koreanong drug dealer at ng live-in partner nito dakong alas-10:30 ng gabi nu’ng Huwebes sa Viridian, Greenhills Connecticut Street ng nabanggit na lungsod.

Ang mga suspek ay nakilalang si Jeong Hee Kim.

Base sa ipinadalang report ni San Juan City Police Chief Senior Superintendent Dindo Regis Reyes kay NCRPO Police Director Guillermo Eleazar, nakuha sa ginawang paghahaluhog sa bahay ng mga suspek ang 2 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P13,500.000, mga kemikal sa paggawa ng iligal na droga, mga drug paraphernalias, 3 weighing scales at mga bundles ng pera na nagkakahalaga ng P450,000 cash.

Nag-ugat ang paghahalughog sa bahay ng mga suspek matapos maaresto si Kim Jeong Hee nu’ng Miyerkules ng gabi sa tapat ng isang hotel sa nasabing lungsod sa isinagawang drug buy bust operation kung saan nakarekober ang mga pulis ng halagang 2.2 bilyon piso ng shabu kasama ang kasabwat nito na si Marvin Yu.

Kasong paglagbag sa Violation of Sec.5 at 11 ng RA 9165 o (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang kakaharapin ng mga suspek na nakakulong ngayon sa San Juan City Lock up dentention cell. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here