Home Simple Lang Cong. Jonathan R. Sy-Alvarado, ‘The Rising Star of the Philippine Congress’

Cong. Jonathan R. Sy-Alvarado, ‘The Rising Star of the Philippine Congress’

22
0
SHARE

“THE Rising Star of The Philippine Congress”.

Sa ganitong bansag tinawag ng kanyang mga kasama sa mababang kapulungan ng kongreso ang batang naging kongresista ng unang distrito ng Bulacan na si Jose Antonio R. Sy- Alvarado, na kilala rin ng kanyang mga ka-distrito sa tawag na Kuya Jonathan.

Estudyante pa lamang sa sekondarya si Kuya Jonathan ay kinilala na ang kanyang pagiging isang mahusay na lider kabataan, dahil hinirang siya bilang pangulo ng Student Government ng lahat ng mga Catholic High School sa buong Bulacan, kung saan lalong nakilala ang kanyang angking talino nang pumasok na siya sa kolehiyo sa San Beda College upang kumuha ng kursong Business Management, Major in Entrepreneurship noong taong 2004 at nagtapos na magna cum laude ((97.99 percentile) sa kursong Master in Business Administration noong 2014.

Noong 2015, ay nagtungo sa Oxford University sa United Kingdom si Kuya Jonathan, upang magkaroon ng kaalaman sa International Relations sa Asya at Pasipiko, at pagkaraan ay muli niyang ipinagpatuloy hanggang sa kasalukuyan ang kanyang pag-aaral para namana sa kursong abogasya sa San Beda College of Law.

Taong 2004, nang naglingkod si Kuya Jonathan sa kongreso bilang volunteer, hanggang sa siya ay maging Public Affairs Officer mula 2007 hanggang 2013; At dahil sa kanyang mga naging karanasan at kaalaman noong siya ay nasa kongreso ay tinugon niya ang tawag ng masalimuot na galaw ng mundo ng pulitika upang paglingkuran ang kanyang mga kababayan sa unang distrito. ng Bulacan.

Sa loob ng ilang mga taon ni Kuya Jonathan bilang kongresista ay umabot ng may 281 ang kanyang mga ipinanukalang batas at naging katuwang din siya sa may 1,837 mga panukalang batas na isinulong sa kongresio, patunay lamang ito ng kanyang kasipagan sa pagsasaliksik at pag-aaral ng mga paraan upang mapabuti ang kalagayan ng mga mamayang Pilipino lalo na ang mga Bulakenyo.

Dahilan sa ipinakitang kasipagan ni Kuya Jonathan bilang kongresista, ay hinirang siya bilang Vice Chairman ng Committee on Appropriations, na siyang naglalaan ng pon-do ng gobyerno at naging Vice Chairman din si Kuya Jonathan ng Komite sa Mataas na Teknikal na Edukasyon at ng espesyal na Komite sa Paggamit ng Lupa.

Si Kuya Jonathan ay nagmula sa Katolikong pamilya ng mga naging lingkod- bayan at maaga rin siyang iminulat sa kahalagahan ng pagsisikap, determinasyon at tiyaga ng kanyang ama na si Gobernador Wilhelmino M., Sy- Alvarado at ng kanyang ina na si dating Kongresista Marivic R. Sy- Alvarado, upang maging manindigan, maging matapang, mayapat at mangarap ng malaki sa para kanyang sarili at sa bayan na kanyang pinaglilingkuran.

Congratulations Kuya Jonathan for your another success in serving your constituents.

May the guidance of our LORD GOD be with you always. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleIsyu at alegasyon ni Bikoy, imbestigahan!
Next articleArko ng Bulacan, may lamat na at malapit ng bumigay
DAISY Medina Fischer known as “Daisy Medina” in her pen name was a graduate of Secretarial courses at the former Gregg Business College. Previously she work in to two well known foreign private insurance company, as one of the department head, until she challenges herself and joined in the media industry to practice her talent in news writing as provincial correspondent of the four national daily tabloid newspaper known as Debate, Text Balita, Police Files Tonight and HATAW sa Balita. Presently she managed a family business.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here