Home Bulacan Local News Cong. Jose Antonio Sy-Alvarado, naghain ng COC para sa ikalawang termino ng...

Cong. Jose Antonio Sy-Alvarado, naghain ng COC para sa ikalawang termino ng paglilingkod

59
0
SHARE

CITY OF MALOLOS, Bulacan — Pormal nang naghain ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) si Cong. Jose Antonio Sy-Alvarado o kilala sa tawag na Kuya Jonathan para sa ikalawang termino ng paglilingkod bilang Kinatawan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ng Unang Distrito ng Bulacan huling araw ng pagpa-file ng kandidatura.

Kasama ni Kuya Jonathan sa pagsusumite ng kanyang COC ang kanyang ama na si Gov. Wilhelmino Sy-Alvarado, maybahay na si Dianne, anak at mga kasamahan sa paghahatid ng tulong sa mga Bulekenyo.

Ayon kay Kuya Jonathan, “Kailangang magpatuloy ang pagdadala ng serbisyo sa mga taga-Unang Distrito ng Bulacan sa pamamagitan nang pagapapanukala at pag-akda ng mga batas na magiging pangunahing benipersaryo ng mga Bulakenyo.

Sa unang dalawang taon ni Cong Jonathan, maraming na itong karangalan at pagkilala na tinanggap bilang Kinatawan at marami na rin itong batas na ipinanukala at naisabatas.

Hindi tumigil ang batang Kongresista sa pag-aakda ng mga batas na poprotekta sa kanyang mga mahal na kalalawigan.

Kabilang dito ang House Bill 00476 o An act declaring January 23, of every year a special non-working holiday in the province of Bulacan; House HB00478 o An act providing for a Magna Carta of the poor; HB02396 o An act amending Republic Act No. 7277 otherwise known as The Magna Carta for Disabled Persons; HB03703 o An act renaming the North Luzon Expressway (NLEX) to Marcelo H. Del Pilar Expressway (MHDPEX). (RONDA Balita Online News)

Mga larawan ni JASON B. ESTRADA

SHARE
Previous articleBaliwag Urgent Care Center na magbibigay ng mga paunang lunas, pinasinayaan
Next articleNumber 1 most wanted rapist sa Rizal, arestado
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin Editor-in-Chief An ex-seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City, and graduated Philosophy as major course, Political Science as minor, at the Aquinas University of Legaspi City. But landed in Journalism. A former Journal Group of Pub lication (People's Journal, Peoples Tonight, Taliba & Women's Journal) PT staffer for 17 years, simultaneously contributed to 3 local newspaper in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). A former Journal Group provincial correspondent, Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here