Home Showbiz Cong. Monsour patuloy pa rin ang pagtulong sa Makati kahit hindi na...

Cong. Monsour patuloy pa rin ang pagtulong sa Makati kahit hindi na niya nasasakupan

188
0
SHARE

HINDI matigil-tigil ang isyu sa Makati City hinggil sa elevator na biglang nag-shutdown nang bumisita si 1st District Makati City Monsour del Rosario sa Makati Hospital.

Pagkaklaro ng mga nakakita, nu’ng sumakay daw ang team ni Monsour ay ‘di nila alam na shutdown na ang dalawang elevator. Wala raw pagsasabotaheng nagaganap.

Pero nagtatanong pa rin ang kampo ni Monsour, bakit daw ang nangyaring sunog sa South Cembo ay pinipigalan ng Abby Team ang binibigay na tulong ni Congressman sa mga tao.

Pamumulitika pa rin daw ang naiisip ng partido ni Mayor Abby, hindi raw makapag-submit ng requirements si Cong. Del Rosario para matulungan ang constituents ng Makati.

Ang sabi raw ng kapitan ng SC ang pwede lang daw tumulong sa naturang lugar ay ang mister ni Mayor Abby. Hindi raw pwede tumulong ang Congressman ng Distrito Uno dahil hindi raw ito nasasakupan ni Monsour.

Delaying tactics din umano ang ginagawa ng kampo ni Mayor Abby sa mga tao dahil maging ang mga certifications at barangay ID ay nade-delay din.

Maging ang bagay na ‘yun ay idinadaing ng taga-SC sa kanilang kapitan, pero inuulit-ulit nitong sinasabi na ang tanging may karapatan lang daw para magpasya ay ang asawa lang umano ng Mayora.

Sa bagay na ito ay hindi pa rin tumitigil si Cong. Monsour na tumulong sa SC, nasasakupan man niya o hindi. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleEthiopia plane crash kills 157
Next articleDating Mayor Rico Roque ng Pandi, isasaayos ang lahat ng problema sa oras na maupo
BETH Gelena was formerly a part-time showbiz writer and staff of People’s Tonight Entertainment Section for almost two decades under former Julie Fe Navarro. Until she decided to leave the Journal office in Port Area, Manila and chose to become a freelance and full pledged showbiz writer of several national daily newspapers such as Police Files Tonite, Abante Tonite, Pilipino Mirror, Pinas at Bagong Toro. Betchay is also an active member of the Philippine Movie Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here