Home Showbiz Cong. Monsour pumayag maging VM ni Junjun Binay

Cong. Monsour pumayag maging VM ni Junjun Binay

75
0
SHARE

NAMUDMOD ng mapupulang rosas si Monsour del Rosario sa mga kababaihan sa Makati City. Umikot siya sa iba’t ibang lugar ng Makati para bigyan ng maagang Valentine’s gift ang mga kadalagahan, mga lola at maging ang mga beki ng lungsod.

Kasama kami sa pag-iikot ng actor at naging saksi kung papaano siyang i-welcome ng mamamayan ng Makati.

After ng pag-iikot kahit kainitan ng araw ay nakapanayam namin ang actor cum Congressman ng 1st district ng Makati.

Ayon sa dating action star nalulungkot siya dahil lalong humihina ang movie industry lalo na at nabalitaan daw niyang halos ang mga pinalabas ngayong unang buwan ng 2019 ay mukhang hindi man lang daw nag-break even sa takilya.

Aniya: “Noong araw kasi ang mga sinehan kapag action movie ay may nakatoka nang panonoodan. Kung drama… dito sa sinehan yan. Pag comedy din meron ding nakatoka movie house para doon. Ngayon kasi wala nang ganyan, e. Besides sa mall na lang nagpapalabas ng mga movie. At pag hindi pa kumita, ipu-pull out na nila. Si Robin Padilla na lang nga ang natitirang action star ngayon.”

“Also ang mga pirated DVDs malaking impact yun sa movie industry. Magkano ba ang sine ngayon nasa P250 or P300. Ang pirated DVD P20 to P30 lang mabibili at marami pang nakapapanood. Kaya talagang nakalulungkot isipin.”

Aminado rin si Monsour na ang mga pelikulang kanyang pinagbidahan noon karamihan daw ay hindi kumita. But despite everything ay hindi sumama ang loob niya dahil ang kanyang kaalaman sa taekwondo kung saan dun siya expert ay naibabahagi at naipapakita sa buong mundo.

Isa ring bayani ng Pilipinas si Monsour dahil naitala niya sa mapa ng Pilipinas ang pagiging Taekwondo champion kung saan nag-grand slam siya internationally sa larangan ng atletang ito. Binigyan siya ng recognition award ng South Korea dahil sa husyay niya sa martial arts.

Samantala, nang hindi na active ang action star sa pag-aartista ay pinasok niya ang mundo ng pulitika. Una siyang naging konsehal pagkatapos ay naging Congressman ng Makati sa District 1.

Ngayong election 2019 election ay muling tatakbo si Monsour bilang Vice Mayor ng Makati.

Lahad ni Cong. Del Rosario, dapat daw ay sa senado siya tatakbo kasama sa partido ni President Du30.

“Alam kong hindi pa ako hinog, alam kong suicide na ito. Do or die na kumbaga. Sinabihan kasi ako na wala na ako sa team Binay. Kung gusto ko raw tumakbo mag-independent ako. Original team Binay ako. Unang termino ko pa lang sa Kongreso, e, nagkabanggaan na kami ng mister ni Mayora sa kongreso… prinsipyo ang dahilan. Kaya inalis nila ako.”

Muntik na palang iwanan ni Monsour ang pulitika dahil sa mga pangyayari.

Pero tinawagan daw siya ni Junjun Binay dahil tatakbong Mayor at gusto siyang maging vice mayor ni Junjun. Nalaman ni Junjun ang lahat ng nangyari at nangakong susuportahan siya.

Natanong din namin ang Congressman ng Makati 1st district hinggil sa pambu-bully tulad ng nangyari kamakailan na nagviral.

Ayon kay Monsour, kaya raw siya nag-aral ng taekwondo dahil biktima rin siya ng pambu-bully. Ang lalaking tao pa raw ang mga nangbubuska sa kanya.

Tungkol naman sa nag-viral na bullying ng batang lalaki nagsalita si Monsour.

Ani ng Taekwondo champion, “none of us are perfect. Let’s all raise our children to be better. Let’s raise our sons, particularly those in the martial arts, to be good men.” (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articlePagbabalik sa Kapitolyo ng Mural ng Kasaysayan ng Bulacan
Next articleCentral Luzon MSMEs earn P150M from trade fairs
BETH Gelena was formerly a part-time showbiz writer and staff of People’s Tonight Entertainment Section for almost two decades under former Julie Fe Navarro. Until she decided to leave the Journal office in Port Area, Manila and chose to become a freelance and full pledged showbiz writer of several national daily newspapers such as Police Files Tonite, Abante Tonite, Pilipino Mirror, Pinas at Bagong Toro. Betchay is also an active member of the Philippine Movie Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here