Congw. Rida Robes ng lone district, patuloy ang pag-arya!

0
285
Opinion Column by Thony DP Arcenal.

KAHANGA-HANGA mga kabayan ang sipag ng Kinatawan ng Lone District ng Lungsod ng San Jose del Monte sa Lalawigan ng Bulacan.

Dahil higit sa 40 kababaihan na pangulo nang mga Tricycle Driver Operators sa nadabing lungsod ang tumanggap ng ayuda mula sa kanilang kinatawan na si Cong. Rida Robes bilang bahagi ng kanyang kaarawan.

Sa halip kasi na magarbong “mañanita” ay mas minabuti ng mambabatas na tulungan na lamang ang kanyang mga kababayan sa sektor ng transportasyon.

Nito lamang Hunyo 25, 2020, tumanggap ng regalo ang mga pangulo ng ibat-ibang TODA na kababaihan.

At binigyan ng coupon na cash voucher na tig-250 pesos para gasoline at 250 para sa unleaded na maari nilang gamitin sa pamamasada.

Bukod pa ang halagang P2,000 na ayuda at food packs at gamit sa pamamasada tulad ng gloves, facemask at alcohol na kailangan nila lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Bagama’t mayorya ng TODA sa lungsod ay walang prankisa nangako ang kongresista na tutulungan nila ni City Mayor Art Robes ang mga ito na mabigyan ng legal na ruta para sa kanilang hanap-buhay sa lansangan.

Nangako rin si Congresswoman Robes na bukod sa mga TODA nakahanda rin silang magbigay ng tulong sa iba pang organisasyon na iligal na naghahanap-buhay sa lansangan.

Habang si City Mayor Arthur Robes ang magbibigay ng ayuda sa iba pang mga driver ng TODA na kalalakihan partikular sa mga kolorum o ’yung mga ligal na ruta sa pamamasada.

Tinitiyak ng ating bidang kongresista na buo ang kanilang suporta sa pangangailangan ng mga taga-lone district at handa nilang tugunan ang mga suliranin para sa pang-araw-araw na buhay ng mga San Joseño.

Para sa inyong mga reklamo at reaksyon mag-send lamang sa thony.arcenal@gmail.com. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here