Home EXTRAFONTS Coronavirus: Malaking banta sa alinmang bansa

Coronavirus: Malaking banta sa alinmang bansa

16
0
SHARE
Opinion Column by Manny Camua Dela Cruz

NABATID na ng health authorities sa bansang China ang misteryosong mikrobyo o virus na tumama sa mga mamamayan ng Wuhan China. Buhat ito sa pamilya ng coronavirus.

Marahil ay kamag-anak ng Severe Acute Respiratory Syndrome (SARScov), at Middle East Respiratory Syndrome (MERScov) ang virus na nananalasa ngayon sa Wuhan, China. Ang masaklap pa, nakarating na umano sa Hong Kong, maging sa America, ang naturang virus dahil may mga tao na galing ng Wuhan, sumakay ng eroplano at bumiyahe

Mabuti sana kung hindi kakalat sa Hong Kong ang Wuhan Coronavirus at sana naman ay makontrol ng HK health authorities ang pagkalat sa kanilang lugar ng deadly virus, dahil maraming Pilipinong OFW ang nagtatrabaho sa Hong Kong. Alam naman ng marami na mabilis kumalat ang virus at naililipat ito ng tao sa tao sa droplets sa nakukuha sa pagbahing, pag-ubo ng taong infected nito.

Ito ngayon ang pinangangambahan ng mga kababayan natin dito sa Pilipinas. Ang malaking tanong ng nga kababayan natin ay paano raw kung makarating sa Pilipinas ang Wuhan Coronavirus — huwag naman sanang mangyari.

Hindi naman natin masisi ang mga kababayan natin kung sila man ay mangamba. Hindi kasi mapipigilan ang Pag-uwi ng mga Pilipinong OFW sa Hong Kong, kung kumalat man ang Wuhan Coronavirus doon dahil tagarito sila sa Pilipinas. Ang magagawa na lang ng health authorities lalo na ang bureau of quarantine sa ating bansa ay pag-ibayuhin ang kampanya kontra coronavirus para mapigilan ang pagpasok dito ng mikrobyong iyan.

Ayon sa ulat, nakarating na rin umano sa Thailand, Japan, Taiwan at South Korea, ang naturang virus kaya ipagdasal natin na huwag lumaganap ang coronavirus sa mga bansang naturan dahil hindi biro ang impeksiyong dulot ng virus na iyan na aakalaing simpleng trangkaso, simpleng sipon at at ubo lamang.

Hindi gayon kasimple ang respiratory infection na naidudulot ng nasabing virus dahil may mga pasyente ng namatay habang nilalapatan ng lunas makaraang maging infected ng coronavirus. Ayon sa mga dalubhasa, kapag ang lungs o baga ng taong infected ng coronavirus ay tinamaan, makakaramdam ng mahirap na paghinga ang pasyente na kapag bumigay ang kanyang baga ay posibleng humantong sa kamatayan

Ang good news ay kapag nalampasan o nalabanan ng sistema sa katawan ng maysakit ang pananalanta ng coronavirus sa katawan ng maysakit ay nangangahulugan iyon na nakalikha ng antibodies ang immune system ng maysakit at iyon ay malaking tagumpay sa parte ng may karamdaman, pero hindi magkakapareho ang kalagayang pangkalusugan ng bawat tao. (RONDA BALITA Online)

SHARE
Previous articleRuta ng NLEX mula C-5 papuntang gitnang Luzon, sisimulan na
Next articleIlang LGUs wapakels sa isyu ng basura
SI Manny Camua Dela Cruz ay hindi nag-aral ng kursong dyornalismo, subalit naging bihasa sa pagsusulat ng balita, lathalain at sanaysay. Ang kanyang talento ay pinanday ng mahabang karanasan sa larangan ng pamamahayag: Photo journalist sa simula; kalaunan ay naging provincial correspondent ng iba't ibang mga pahayagang nasyonal, naging reporter ng national dailies sa Kamaynilaan at naging editor ng national tabloid, naging editor ng national weekly news magazine. Sa kasalukuyan ay editor/editorial consultant ng ilang provincial-based newspaper sa Bulacan, kolumnista at contributing editor/writer nitong Ronda Balita Online/Weekly Newspaper.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here