COVID-19 kinatakutan ng mamamayang Pilipino

0
661
An opinion column by Louie C. Angeles

BIBIHIRA sa tao ang hindi natakot sa paglaganap ng COVID 19, hindi lamang sa ating lalawigan ng Bulacan bagkus ay maging sa buong mundo kung saan ay mas malala ang naging kaso nito na kinamatay ng libong mamamayan.

Ano ba ang naging epekto sa buhay ng bawa’t Pilipino ng COVID-19? Hindi ba’t nakita natin ang malaking takot na baka mas marami ang madapuan ng naturang sakit dahil kung ang isang tao na mahina ang resistensya ng katawan ay maari nitong ikamatay at maging kasambahay niya ay magkakaroon din ng naturang sakit.

Nakita natin ang masidhing pag-iingat ng national government sa pangunguna ng ating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magdeklara ng Luzon-wide enhanced community quarantine ang mga mamamayan sa buong bansa para makaiwas sa paglaganap ng sakit na COVID 19.

Dito natin nakita ang labis na pagkakaisa ng lahat ng ahensya ng gobyerno na may kaugnayan sa pangangalaga sa kalusugan ng mamamayan partikular and DOH, City Health, Municipal Health, Barangay Health, PNP, Phil. Army at iba pang samahang sibiko na nakibahagi sa pakikipag-bayanihan upang maiwasan ang paglaganap ng COVID 19.

Dahil talagang hindi biro ang sakit na ito naroong nanaig ang kanilang malakas na pananalig sa Dakilang lumikha na ito ay tutugunin ng Diyos ang mga panalangin na malalayo o maalis na sa ating bansa ang salot na sakit na gumimbal sa ating bansa at sa buong mundo.

Maging ang Pangulong Duterte ay namutawi sa kanyang mga labi ang mga katagang “God Is There,” “Why Death & Why we exsist?,” “Itong lahat sa Diyos,” “Ang Diyos lang ang may sagot,” “We are Born and will die,” “There is someone who control all I agree to that,” “If there is no God the order of universe will simply vanish,” “Kung maniwala ka lang sa Diyos,” “God will come again to judge living and the dead,” “The Bible says, A time to be born,” at “A time to be death”.

Kaya naman tanging sa Diyos lamang tayo umasa dahil naghihintay lamang ang Diyos sa bawa’t isa sa atin ang may kababaang loob na panalangin at kahilingan sa kanya na alisin ang naturang kinatakutang sakit sa ating bansa.

Panahon na upang tayo’y magkaisa na manalangin sa dakilang lumikha na mapawi na ang pangamba sa bawat isa at manaig ang pananalig sa Diyos. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here