Home National News DA tinaasan ang tulong-pinansiyal sa mga hog raiser

DA tinaasan ang tulong-pinansiyal sa mga hog raiser

22
0
SHARE

MULA sa dating P3,000 ay magiging P5,000 na ang tulong-pinansiyal na ipagkakaloob ng Department of Agriculture (DA) sa mga may-ari ng mga babuyan bilang tulong ng gobyerno at upang tuluyan nang mapuksa ang African swine fever (ASF) matapos na prubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan.

Napagkasunduan na itaas ang naturang halaga bunsod ng matinding epekto ng ASF, ang nasabing nakahahawang sakit sa mga alagang baboy na patuloy kumakalat sa iba’t ibang panig ng bansa.

Samantala, pinagkasunduan din sa isang meeting ng Gabinete ang pagkakaroon ng ‘lock down procedures’ sa mga probinsiya ng Bulacan at Pampanga kung saan may ‘validated areas’ ng mga ASF infected zone upang makontrol ang pag-aangkat at pagbebenta ng mga meat product.

Kabilang pa rito ang pagpupursige sa paghuli at pagsasampa ng mga kaso laban sa mga hog raiser at negosyanteng nagbebenta o bumibili at nagkakarga ng mga buhay na baboy gayundin ang matutuklasang nagkakatay ng baboy na infected ng ASF.

Nauna nang umapela si Agriculture Secretary William Dar sa mga negosyante na iwasang bumili ng mga ASF affected hog, gayundin sa maling proseso ng pagkatay ng baboy ng mga may-ari ng babuyan.

Source: Abante-Tonite

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here