Home Batok sa Kaliwa, Suntok sa Kanan Dahil sa social media, marami daw ang nabubutis ng maaga?

Dahil sa social media, marami daw ang nabubutis ng maaga?

28
0
SHARE
An opinion column by Rolando S. Gamoso

TAMA ang sinabi ni Mrs. Janet Retamal, population commission officer ng Laoag City, Ilocos Norte, na isa sa mga rason kung bakit patuloy na lumalaki ang mga bilang ng mga babaing nasa murang edad pa lang ay nabubuntis na (teenage pegnancy) ay dahil sa epekto ng sosyal media.

Sa interbyu sa kanya ng media, sinabi ni Retamal na dahil sa kawalan ng restriksyon o limitasyon, nagiging malaya ang mga kabataan na pasukin ang mga iba’t ibang site kahit na ang mga iba dito ay hindi dapat na para sa kanila.

Nakikita ko ang punto ni Mrs. Retamal kung bakit niya nasabi ito. Hindi man niya sinabi nang tuwiran, alam kong ang mga porno site ang isa sa mga tinutumbok niya.

Ang mga porno site kasi, oras na mapasok ng mga teenager ay tiyak na magsisilbing susi ito na magbubukas sa kanilang kuryosidad tungkol sa sex. Malaki ang posibilidad na gagayahin nila kung ano man ang mga mapapanood nila sa mga site na iyan.

Maliban dito, nagagamit din ang sosyal media para malayang makapagligawan ang ilang mga kabataan ngayon. Nabibigla na lang ang mga ilang magulang pagdating ng time na buntis na ang kanilang anak dahil ang buong akala nila ay nakatutok lang sa pag-aaral ang kanilang mga anak lalo pa’t wala namang silang nakikita o nababalitaang manliligaw nito pero hindi pala.

Kaya naman para maiwasan ang maagang pakikipagrelasyon at pagbubuntis ng mga kababaihan lalo na ‘yun mga wala pa sa wastong edad, ang masasabi ko lang ay dapat doblehin ng mga magulang ang ginagawa nilang pagbabantay o paghihigpit sa kanilang mga anak sa mga oras na nagsu-surf o nagbru-browse ang mga bata sa internet. Dapat ay lagi silang naka-monitor sa kanilang mga anak para namang mag-behave ang mga bata sa paggamit nila ng internet.

Maganda ang plano ni Mrs. Retamal. Ang balak niyang makipag-coordinate sa mga iba pang ahensya ng gobyerno para tulong-tulong sila na ituro at liwanagan ang mga bata tungkol sa mga hindi magandang epekto na makukuha nila sa maagang pagbubuntis.

Nawa’y maging epektibo nga ang gagawin nilang ito dahil kaawa-awa talaga ang mga kabataang dapat sana ay nagsisipag-aral pa, pero hayun at natali sa maagang pagpapamilya na pinapasok ang kahit na anong uri ng mabigat na trabaho para lang may maipakain sa kanilang pamilya.

PERSONAL: Gusto ko lang pong batiin ng HAPPY HAPPY BIRTHDAY ang aking pong esposa na si LILIBETH L. GAMOSO na magsi-celebrate ng kanyang ika-45 na kaarawan ngayong July 21, 2019.

SA AKING MISIS, I LOVE YOU PO TO THE MOON AND BACK. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleKonstruksyon ng admin building ng BJMP-Candon City, on going na
Next articleLolo yields P3.4-M shabu, 13 more arrested in Bulacan drug stings
Si Rolando S. Gamoso ay naging Editor-In-Chief ng dating THE AMIANAN WEEKLY EXPOSE’, isang weekly newspaper na may sirkulasyon sa buong Region I, CAR at Region II. Naging reporter/news correspondent siya for Region I sa mga pahayagang tulad ng: DAILY BALITA, TANOD Newspaper, BOMBA, PINOY PARAZZI, at POLICE FILES TONITE. Sa ngayon ay reporter/columnist siya sa THE AMIANAN BULLETIN at THE ILOCOS HERALD, pawang mga local newspaper na circulated weekly sa Ilocos Region. Maliban sa pagiging aktibo niya sa print media, aktibo rin siya sa pagiging miyembro ng broadcast media.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here