Home Showbiz Dalawang ‘Darna’ nagtagpo sa isang event

Dalawang ‘Darna’ nagtagpo sa isang event

34
0
SHARE

ANG daming nakasaksing celebrities nang magkita sa iisang event sina Marian Rivera at Jane de Leon.

Sa mga kuhang larawan nila eto ng caption na ‘Old Darna meets new Darna.’

First time na nagkaharap ang Kapuso at Kapamilya actress sa opening ng bagong clinic ni Vicki Belo, ang Belo Medical Clinic na naganap sa Bonifacio Global City.

Ani Marian kay Jane, “Finally, I met you! Good luck!”

Agad-agad na pinost mismo ni Marian na ibinahagi ang kanilang larawan ni Jane sa kanyang socmed.

Ang nilagay na caption ng Kapuso actress, “Nice to meet you jane! (two hearts emoji).”

Nu’ng Miyerkules ay si Jane naman ang nagbahagi ng picture nila ni Marian.

Ani Jane: “Happy to finally meet you po @marianrivera Thank you for all your kind words and sana magkawork po tayo soon! (hugging face, two hearts emojis) #Darna”

Natuwa naman ang mga tagahanga ng dalawang celebrity.
Komento nga nila sana raw ay mapanood nila sa iisang proyekto ang dalawang actress na magkasama.

Si Jane ang pumalit kay Liza Soberano para sa Pinay heroine movie, Darna.
Nag-back out si Liza dahil sa kanyang finger operation.

Bago si Liza si Angel Locsin ang orihinal sanang gaganap sa Darna movie.
Nag-beg off naman ang mahusay na actress dahil naman sa kanyang spinal problem.

Samantala, si Angel din ang unang gumanap na Darna para sa teleserye.

Nang iremake ay si Marian na ang ipinalit. Parehong sa GMA-7 napanood ang Darna teleserye. (RONDA BALITA Online)

SHARE
Previous articleVictor ikinasal na rin!
Next articleDuterte officially opens 30th Sea Games in Bulacan
BETH Gelena was a formerly a part-time showbiz writer and staff of People’s Tonight Entertainment Section under Julie Fe Navarro for almost two decades. Beth decided to leave the Journal office in Port Area, Manila and chose to become freelance and full-time showbiz writer of several national daily newspapers such as Police Files Tonite, Abante Tonite, Pilipino Mirror, Pinas at Bagong Toro. She is now entertainment writer of Bulgar newspaper. Betchay is also an active member of the Philippine Movie Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here