Home News Report Dalawang holdaper sa Cavite, patay ng ‘pumalag’ sa mga pulis

Dalawang holdaper sa Cavite, patay ng ‘pumalag’ sa mga pulis

246
0
SHARE

IMUS CITY, Cavite — Patay ang dalawang holdaper matapos manlaban sa mga elemento ng pulisya ng Imus City Police Station.

Ayon sa report ng pulisya nakatanggap umano sila ng mensahe mula sa text message tungkol sa naganap na robbery hold-up incident sa Bucandala 4 ng nasabing siyudad dakong alas 1:45 ng madaling araw Martes.

Agad nirespondehan ng mga otoridad ng Imus PNP at nagkasa ng hot pursuit operation laban sa dalawang suspek na nagresulta ng palitan ng putok ng baril at napatay ang dalawang hindi kilalang suspek sa Brgy. Alapan 2B sa nabanggit na lugar.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang isang cal. 38 na baril at tatlong basyo ng bala para sa nasabing kalibre, dalawang 9mm pistol, P310.00 na cash money, isang iPod, isang Samsung cellphones at isang motorsiklo na blue at gray na walang plaka.

Napag alaman din na ang dalawang suspek ang responsable sa nangyaring pagnanakaw ng isang motorsiklo nu’ng Lunes ng gabi sa Carsadang Bago 2 bago ginamit sa panghoholdap. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here